Toni Fowler at Vince Flores, hiwalay na

Back to single mom naba si Toni Fowler matapos naging usap-usapan ng mga netizens na hiwalay na sila ng kaniyang boyfriend na si Vince Flores?

Nagsimula ang haka-haka ng mga marites na hiwalay na sina Toni Fowler at Vince Flores dahil sa isang cryptic post ni Toni sa social media.

Sa nasabing post, nagbigay ng pahiwatig si Toni tungkol sa pinagdaraanan ng kanilang relasyon ni Vince ngayon, ayon pa kay Toni na kinaya na niya noon na maging single mom at alam niya sa sarili niya na kakayanin niya ulit ngayon.

“Kinaya ko nung una. Na-practice ko na. So kayang kaya ko sa pangalawa. Back to #Singlemom,” ani Toni.

Sa kaniyang livestream, ibinahagi rin ni Toni na hiwalay na talaga sila ni Vince dahil sobrang napupuno na umano siya.

Dahil dito marami sa mga fans ni Toni at Vince ang nalungkot dahil sa kanilang hiwalayan, umaasa rin ang mga ito na magkakabalikan pa ang dalawa.

Matapos umingay ang kanilang hiwalayan, nagbahagi na rin si Vince Flores ng kaniyang post sa social media na tila tanggap na niya na hanggang dito nalang ang relasyon nila ni Toni Fowler.

“que sera sera,” pagbabahagi ni Vince.

[Que sera, sera means “whatever will be, will be”]

Ngunit marami rin sa mga netizens ang hindi naniniwala dahil baka prank lamang ang hiwalayan na ito ng dalawa, kung hindi naman “for the content” only ay sana naman ay magkabalikan na sila.

Narito naman ang komento ng mga netizens:

“Di wow kami din nag hiwalay ni jowa kaya back to single mom din ako kaso hindi ko pinublic baka sumikat”

“If this is true, hopefully not, just think of d good times u shared together rather than d mistakes committed … love so much ni tyronia c Vince to d extent that she considers him her real dad. Toni be reasonable n understanding un ur decision.pls try to work for reconciliation”

“hormones lang yan nadadala lang sya sa emosyon nya kaya nag kakaganyan sya”