Rosmar Tan, binigyan ng house and lot at isang milyon si Diwata

Usap-usapan ngayon sa social media ang binigay ng content creator na si Rosmar Tan na house and lot at isang milyong peso kay Diwata.

Kung matatandaan, inulan ng batikos mula sa maraming netizens ang social media personality na si Rosmar matapos niyang gayahin ang pares overload ni Diwata.

Ibinida ni Rosmar sa kanyang social media ang bagong niyang negosyo, ngunit pamilyar ito sa maraming netizens dahil katulad ito ng trending negosyo ni Diwata ang pares overload.

Matatagpuan ang Rosmar Pares Overload sa R Mansion Resort & Restobar sa Calauan Laguna, dito na binatikos ng mga netizens si Rosmar dahil kinumpetensiya pa raw niya ang paresan ni Diwata.

Marami rin ang nagsabing “walang originality” o gaya-gaya si Rosmar kay Diwata at giit pa nila na sana raw ay hindi na tinapatan ni Rosmar ang paresan ni Diwata dahil mayaman na raw siya.

Kasunod ng pambabatikos ng mga netizens kay Rosmar, ibinahagi ng content creator na may-basbas umano mula kay Diwata ang pagpapatayo niya ng kaniyang negosyo na Rosmar Pares Overload sa Laguna.

Aminado rin si Rosmar na nakuha niya ang ideya ng kanyang paresan mula sa trending pares overload ni Diwata.

Ayon pa kay Rosmar, noon pa raw talaga niya gustong magnegosyo ng paresan kaya lang ay hindi raw ito matuloy-tuloy dahil na-stress siya dahil matagal daw magpalambot ng beef.

Iginiit naman ni Rosmar na hindi niya kinakalaban ang paresan ni Diwata, lalo pa’t malayo raw ang Laguna sa pwesto ng paresan ni Diwata sa Pasay City.

At ngayong araw lang May 6, binisita ni Rosmar ang pwesto ni Diwata sa Pasay City upang personal na ibigay ang regalo niya para rito.

Nakaraan lamang ay sinabi ni Rosmar na may ibibigay siya na magbabago sa buhay ni Diwata, isang House and lot at tumataginting na isang milyong peso ang natanggap na regalo ni Diwata mula kay Rosmar.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa para kay Diwata dahil sunod-sunod na tulong at blessings ang kaniyang natatanggap mula sa ibang tao.

Narito ang komento ng mga netizens :

“Kakaumpisa palang grabe tlaga surprise agad ang ibinigay ni Madam Rosmar”

“Naiyak talaga ako Sa saya grabi ang bait ni ma’am rusmar at nakapa sweerty ni ma’am diwata”

“Wow ang gling nman..asan na mga basher jan”