Billy Crawford sobrang payat na, alamin ang dahilan

Usap-usapan ang mga litrato ni Billy Crawford na nag viral at makikita na sobrang payat na nito habang umiinom sa kaniyang tumbler.

Marami rin ang nagkomento na baka raw ay may malubhang sakit si Billy Crawford na hindi pa inaamin sa publiko, may mga hakahaka rin na baka raw ay may bisyo si Billy dahilan ng pagkakaroon ng sobrang payat na katawan.

Samantala, ipinagtanggol si Billy ng kaniyang misis na si Coleen Garcia laban sa namba-bash at bumabatikos sa kaniya.

“There’s this viral photo kasi of Billy going around kaya I felt the need to address it without directly addressing it,” panimula ng aktres.

“Actually, I don’t know if you’ve ever seen him before without makeup. But long before we even started dating, he’s always had dark under eye circles and major hair loss na.” ani Coleen.

Ayon pa kay Coleen na hindi na bago ang stress look ni Billy lalo na sa mga tunay na nakakakilala sa kaniya lalo na kung offstage.

“Natatago lang talaga pag naka hair and makeup.

“I wish we had photos from 10 years ago to show na he’s always had those dark circles and matagal na siyang walang hair.” dagdag ng aktres.

Nagpost rin si Coleen sa social media at ipinakita niya ang “expectation” vs “reality” looks niya.

“I break out, I get tired, I am getting older every day,” say ni Coleen.

Kahit stress at haggard umano ang kanilang looks ay wala silang bisyo, hindi rin umano dulot ng mga problema nilang mag-asawa at depresyon.

Hindi lamang sa pagtatanggol kay Billy ang posts ni Coleen ngunit ito rin ang tanging paraan upang i-call out ang unrealistic standards ng tao sa mga artista na dapat ay lagi itong perfect.

“Syempre people just see the glammed-up version of us lang, which isn’t really how we look on a daily basis,” dagdag ni Coleen.

Samantala, taong 2019 pa ay sinagot ni Billy ang mga hakahaka tungkol sa mabilis na pagbagsak at pagkakaroon ng sobrang payat na katawan.

“Everyone says I lost too much weight and I’m ‘too thin’ etc.

“I am NOT sick NOT on drugs just pure happiness and sober!

“Free from cigs, and now free from alcohol, too. To God be the glory!” ani ni Billy.

Kung ating babalikan, July 2016 nagkasakit ng pneumonia si Billy Crawford at nagsimula ang pag-payat ni Billy noong 2017 sa pamamagitan ng Keto diet (very low in carbohydrates and high in fat).

Mula noon talagang itinuloy na ni Billy ang pagda-diet o pagpapapayat, kabilang na nga ang pag-iwas sa anumang uri ng alak o bisyo.