Rommel Padilla, umaasa pa rin na magkaka-balikan ang KathNiel

Rommel Padilla, umaasa pa rin na magkaka-balikan ang KathNiel
PHOTO : Rommel Padilla and KathNiel

Walang paligoy-ligoy na inihayag ng action star na si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel na umaasa pa rin siyang magkakabalikan ang KathNiel.

Sa isang video na ibinahagi ng StarsPhotog517 sa TikTok, mapapanood ang interview kay Rommel kung saan tinanong siya tungkol sa reaksyon niya sa hiwalayan ng KathNiel.

Sinabi ni Rommel na normal lang sa isang relasyon ang dumating sa puntong nasusubukan ang tatag nito.

Aniya, “Talagang nangyayari ‘yan eh. Dumadating ‘yung puntong nagkakasubukan.”

Rommel Padilla nanghinayang sa KathNiel

Aminado naman si Rommel na nanghihinayang siya sa nangyari sa relasyon ng KathNiel, lalo na’t mahaba rin ang pinagsamahan ng dalawa.

Rommel Padilla, umaasa pa rin na magkaka-balikan ang KathNiel
PHOTO : KathNiel and Rommel Padilla

Aniya, “Of course. Lahat kami, lahat kami.”

Pero giit niya, ipinagdarasal pa rin umano niya na dumating ang panahon na magkabalikan ang KathNiel.

Aniya, “Pero para sa akin, ako, I still pray na sana dumating ‘yung panahon na magkita sila ulit. Magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yung nilaan nila sa pagmamahalan nila. Pinagdadasal ko, sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan.”

May payo naman si Rommel para kina Daniel at Kathryn habang nasa stage sila na mag-isa o single.

Aniya, “Habang sila single, sana magmuni-muni muna talaga sila o timbangin nila ‘yung kanilang pagmamahalan sa kasalukuyan. Dapat bang the same? Dapat bang magkabalikan? I guess ito ‘yung time na ‘yun eh. Makikita nila sa mga darating na araw.”

KathNiel timeline

Labing-isang taon na naging magkarelasyon sina Daniel at Kathryn bago sila nagdesisyon na maghiwalay.

Matatandaang kinumpirma ng KathNiel ang kanilang hiwalayan noong November 30, 2023.

Nag-viral rin ang video ni Daniel na kuha sa kanyang 29th birthday celebration, kung saan hindi niya napigilang magmura habang kumakanta ng kantang “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya.

Batid ng marami na hindi pa rin nakaka-move on si Daniel sa hiwalayan nila ni Kathryn.

Ramdam din ng marami na nasasaktan si Daniel sa pagpapares ngayon kay Kathryn at Kapuso actor na si Alden Richards.

Ani Daniel, “P*tang i*a, may kapiling ka ng iba!”