Muling nag-viral sa social media ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Ryan James Bacalla dahil sa kanyang kamangha-manghang transformation.
Umani ng samu’t saring reaksyon sa social media ang Facebook post ni Ryan kung saan ikinumpara niya ang kanyang litrato noong sumali siya sa PBB 737 noong 2015 at ang kanyang itsura ngayon.
Sa unang litrato, makikitang gupit-lalaki pa si Ryan James Bacalla, na binansagang “Kid Sunshine ng Cebu”.
Malayong-malayo sa itsura niya ngayon kung saan makikitang mahaba na ang kanyang buhok, balingkitan ang katawan, at parang biological woman na siya.
From “Ryan James Bacalla” to “Rian”
Mula sa pagiging isang lalaki, ngayon ay proud na ipinagsigawan ni Ryan—o ngayon ay mas kilala bilang Rian—na siya ay isa nang ganap na babae.
Nagbalik-tanaw naman si Rian noong panahon na pumasok siya sa PBB house bilang teen housemate.
Ayon kay Rian, noon ay isa siyang gay na hindi ganap na tanggap ng kanyang pamilya.
Ngunit makalipas ang ilang taon, siya’y namulaklak at naging isang ganap na babae.
Aniya, “9 years ago today was the time I went inside the Pinoy Big Brother ABS-CBN house as a teen housemate. I was once a gay not totally accepted by my family and years forward, I’ve blossomed into a lady that I am now today.”
Sa kabila ng maraming pagbabago, iginiit ni Rian na isa lamang ang hindi nagbago—ang pagiging “Kid Sunshine ng Cebu” niya.
Aniya, “A lot has changed since then. But one thing is for sure, I’ll forever be your KID SUNSHINE NG CEBU. #PrideMonth”
Ryan James Bacalla viral transformation in 2018
Matatandaang unang nag-viral ang transformation ni Rian noong 2018 matapos ibahagi ng isang netizen ang kanyang then-and-now photos.
Marami ang namangha sa transformation ni Rian, lalo pa’t wala nang bakas ng pagiging lalaki sa kanyang pisikal na itsura.
Gayunpaman, inamin ni Rian na madalas pa rin siyang maging biktima ng diskriminasyon.
Malaking tulong naman ang pagsali niya sa PBB sa pagharap niya sa hamong ito ng mga gaya niyang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ani Rian sa isang panayam, “Until now even in my private life I still encounter countless number of people who discriminates me. But after the bashing I got after joining PBB, I am way stronger now that I can just read a comment and give it a good laugh.
“I mean, what is it for them if I’m gay? Bashers are just fans that hate you because they can’t be like you. That’s how I deal with them, I continue what I do.
“I continue being an all-out gay because the more they hate me, the more they are giving problems to themselves because they hate me. Seriously, masarap silang inisin. Hahahahah!”