Diwata, binastos ang simbahan matapos sumali sa Reyna Elena

Diwata, binastos ang simbahan matapos sumali sa Reyna Elena
PHOTO : Diwata as Reyna Elena

Nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang pares vendor na si Diwata matapos itong sumali sa parada ng Reyna Elena sa Malabon.

Hindi lingid sa karamihan na ang Reyna Elena ay naging tradisyon na ng mga Pilipino tuwing Santa Cruzan.

Kaya naman gulat na gulat ang mga netizens matapos sumali si Diwata sa parada na ito, hindi lingid sa marami na ang kumakatawan bilang Reyna Elena ay isang tunay na babae hindi binabae.

Kaya ganoon na lamang nagtaka at uminit ang ulo ng marami matapos sumali si Diwata na alam ng karamihan na siya ay lalake at may lawit.

Diwata as Reyna Elena

Sa mga larawan ni Diwata sa social media na nagmula sa parada, inulan ng batikos ang pares vendor dahil hindi umano angkop ang negosyante sa mga ganitong uri ng kaganapan.

May isang netizen rin ang napa-komento na malaking insulto umano ang pagsali ni Diwata sa parada bilang si Reyna Elena.

Aniya : “Insulto sa simbahang katoliko. [sad face]”

Diwata, binastos ang simbahan matapos sumali sa Reyna Elena
PHOTO : Netizen comment on Diwata

May mga netizens rin ang nagsabing binaboy umano ng pares vendor ang simbahan at hindi ginalang ang banal na paniniwala ng mga katoliko.

“totoo Naman eh…binababoy na ang simbahan Ng bagong embalsamu na yan”

“Ganyan nagaggawa ng mindset ngaun ng mga tao,pilit na nagpapaka mang mang sa ngalan ng pagpapasikat at pagdikit sa sikat kahit hindi na tama…kahit makapang bastos pa cla.”

Dapat umanong respetuhin ni Diwata ang tradisyon ng simbahang katoliko dahil itinuturing itong sagrado.

Ayon sa mga galit na netizens, asahan umano ng mga tao na darating ang panahon na wala nang rumespeto sa relihiyon dahil diumano sa ginagawa ngayon ng mga tao.

May iilan rin ang nagsabing kaya umiinit na ang panahon ngayon dahil mas marami pa ang mga bakla kaysa sa mga puno.

Samantala masayang-masaya naman ang puso ni Diwata dahil sa kanyang pagrampa sa Malabon bilang Reyna Elena.

Para kay Diwata o Deo Balbuena, masayang-masaya umano sya dahil naging parte siya sa isang prestihiyosong pagdiriwang ng Santa Cruzan.