Nagluluksa ngayon ang pamilya at mga tagapanood ng isang vlogger na hinihinalang binawian ng buhay matapos gawin ang kanyang pinakahuling mukbang video.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na isa sa pinakasikat na content o videos ngayon sa social media ay ang mga mukbang video kung saan nilalantakan ng isang content creator ang napakarami o napakalaking pagkain sa harap ng camera.
Vlogger mukbang contents
Talaga namang magugutom o matatakam ka rin kapag napanood mo ang mga mukbang videos.
Ngunit gaya ng kasabihan, anumang sobra ay masama.
Gaya na lamang sa aspeto ng pagkain, kung saan ang sobrang pagkain, lalo na ng mga hindi masustansyang pagkain, ay delikado sa kalusugan.
Ito umano ang nangyari sa isang sikat na vlogger mula Iligan City na kilala bilang “Dongz Apatan” na pumanaw matapos gawin ang kanyang huling mukbang content.
Anong nangyari kay Dongz Apatan?
Sumikat si Dongz dahil sa paggawa ng mga mukbang videos kung saan madalas ang kanyang kinakain ay “putok-batok” o mga ma-cholesterol na pagkain na madalas nagdudulot ng high blood, atake sa puso, at stroke.
Ayon sa kwento ng pamilya ng vlogger, umalis sa kanilang bahay si Dongz noong Hunyo 14 matapos gawin ang pinakahuli niyang mukbang content kung saan nilantakan niya ang isang buong pinalambot na ulo ng baka.
Hanggang sa nabulabog ang pamilya ng vlogger matapos silang makatanggap ng tawag na isinugod siya sa ospital.
Wala ngang kaalam-alam ang pamilya ni Dongz na inatake na pala siya.
Habang nasa ospital, sinubukan pang iligtas si Dongz at ilipat sa isang mas magandang ospital.
Pero sa kasamaang palad, makalipas lamang ang ilang oras ay pumanaw din ang vlogger, base sa pagsusuri, lumalabas na may namuong dugo o blood clot sa utak ni Dongz na sanhi ng kanyang mabilis na pagkawala.
Hinihinala namang dahilan ng nangyari kay Dongz ang kanyang kinain sa kanyang mukbang video.
Pamilya ni Dongz, umalma sa ilang balita tungkol sa kanyang pagpanaw
Samantala, umalma naman ang kapatid ng vlogger na si Leah Apatan sa ilang balita tungkol sa mga lumalabas na mga dahilan kung bakit ito pumanaw.
Nilinaw ni Leah na hindi pagmumukbang ang dahilan ng pagpanaw ni Dongz.
Saad niya sa isang Facebook post, “Sinong nagbigay sa inyu ng permiso para e post itong nangyayari sa Kuya ko? Pasikat kayo. Di naman talaga pagmumukbang yung sanhi. Take down this post or we will mass report your page! Kumukuha ka lang nang info sa 105.1 Brigada News FM Manila NEW NA FAKE NEWS!!!!!!
Giit niya, “FYI ha? Hindi lang mukbang yong content nang kuya ko MARAMI din ang kanyang binigyan nga FOODS, GOODS and things etc. sa ibang tao. Wag ninyong pagtawanan ang nangyari sa KUYA KO!!! remember diha ta tanan PADUNG (Remember lahat tayo diyan papunta).”