Amanda Zamora, nilinaw ang relasyon nila ni Daniel Padilla

Amanda Zamora, nilinaw ang relasyon nila ni Daniel Padilla
PHOTO : Amanda Zamora, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

Mariing itinanggi ng Star Magic artist na si Amanda Zamora ang isyung may namamagitan sa kanila ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Naging usap-usapan sa social media na si Amanda raw ang bagong girlfriend ni Daniel matapos kumalat ang umano’y larawan nila na magkasama sa isang mall.

Lalo pang tumindi ang espekulasyon na may namamagitan sa kanila ni Daniel nang mabanggit ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog noong July 25 ang pangalang “Amanda”.

Ayon kay Ogie, may nag-private message sa kanya at tinatanong kung may bagong girlfriend na si Daniel, at ang pangalan daw nito ay “Amanda”.

Ani Ogie, “May nag-ano sakin, nag-PM sa akin. Kasi tinatanong nila kung meron na ring jowa si DJ Daniel Padilla at tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girlfriend ni DJ ay Amanda?” 

Mabilis na itinuro ng netizens si Amanda dahil sa koneksyon ni Daniel sa kanyang ama na si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Sa gitna kasi ng isyu, namataan naman si Daniel at ang kanyang pamilya kasama si Mayor Francis.

Si Mayor Francis kasi ang nag-officiate sa civil wedding ng kapatid ni Daniel na si JC Padilla at Nathalia Valdivia.

Amanda Zamora, nagsalita na tungkol sa kanila ni Daniel Padilla

Mukhang nakarating nga kay Amanda ang kumakalat na espekulasyon tungkol sa kanila ni Daniel kahit pa kasalukuyan siyang nasa Amerika para mag-aral.

Amanda Zamora, nilinaw ang relasyon nila ni Daniel Padilla
PHOTO : Amanda Zamora and Daniel Padilla

Kaya naman sa pamamagitan ng isang Instagram story, umapela si Amanda sa lahat na tigilan na ang pagpapakalat ng walang basehan na tsismis at maling balita tungkol sa kanila ni Daniel na sa kahit anong paraan ay wala raw siyang ugnayan.

Aniya, “I kindly ask everyone to stop spreading baseless rumors and fake news where I am in no way associated with.”

Dagdag pa niya, “May we be kinder in words towards one another and practice discernment, especially on the internet. Thank you.”

Samantala, sa isang panayam, pinabulaanan din ni Mayor Francis na may ugnayan sina Amanda at Daniel.

Iginiit ni Mayor Francis na sila lang ni Daniel ang magkaibigan.

Ani Mayor Francis, “Actually, hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na napapag-usapan na rin lately. At in fact, nasasama nga siya sa mga comments. In fact, alam ko po na nili-link po siya ng ibang mga tao. Pero bilang isang ama, ako na po magsasabi na hindi po totoo ‘yan.”