Babaeng customer nagwala sa Jollibee, dahil kulang ang order

Babaeng customer nagwala sa Jollibee, dahil kulang ang order
PHOTO : Babae nagwala sa Jollibee

Nag-viral at umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens ang pagwawala ng isang babaeng customer sa isang branch ng sikat na fastfood chain na Jollibee.

Sa kumalat na video sa social media, makikita ang pagpasok ng babaeng customer na halatang galit na galit. 

Pumasok siya mismo sa likod ng cashier kung saan nag-a-assemble ang mga service crew ng orders.

Kasunod nito, sinigaw-sigawan at dinuro niya ang mga service crew, kasama na rito ang store manager.

Babaeng customer nagwala sa Jollibee, dahil kulang ang order
PHOTO : Babae nagwala sa Jollibee

Makikita ring pinagbabato ng babaeng customer ang ilang trays sa mismong service crew.

Maging ang security guard na sinusubukang awatin at pakalmahin ang babaeng customer ay walang nagawa dahil sa tindi ng galit at pagwawala ng huli.

Babae, nawala sa Jollibee dahil sa kulang ang kaniyang order

Ayon sa ilang netizens, nangyari ang insidente sa isang branch ng Jollibee sa Batangas, bagamat hindi pa ito kumpirmado.

Ang dahilan ng pagwawala ng babaeng customer ay dahil umano sa kulang ang kanyang order.

May ilan namang nagsabi na nagalit ang babaeng customer dahil sa hindi magandang customer service ng nasabing branch.

Reaksyon ng Publiko

Umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang insidente. 

Marami ang kumondena sa pagwawala ng babaeng customer. 

Para sa kanila, pwede naman umanong pag-usapan nang maayos kung may reklamo ang customer sa kanyang order o sa serbisyo ng mga service crew, at hindi kailangang magwala at pahiyain ang mga ito. 

May ilang netizens naman na nakaintindi sa babaeng customer dahil naranasan na rin nilang magalit dahil sa pangit na customer service, hindi lang sa Jollibee kundi pati na rin sa iba pang fastfood chains.

Komento ng Netizens :

“Wala tayong karapatan sigawan o pahiyain ang isang taong nagtatrabaho lang ng tama. Kung may mali man, dapat pag-usapan na lang. Nakakahiya, matatanda na kayo.”

“Kahit ano pa ang dahilan niya, wala siyang karapatang manigaw o manakit ng mga tao. Kung hindi ka nasiyahan sa serbisyo nila, pwede kang humanap ng ibang store. Kung may pinagdadaanan ka, meron din sila. Pwede naman kausapin ang manager at itanong kung ano ang dahilan bakit hindi na-meet o hindi ka nabigyan ng tamang serbisyo.”

“Hindi talaga maganda ang sistema ng Jollibee, masyadong mabagal sila kumilos. Hindi sila organized. Minsan kulang yung order ko. Yung chicken nila sobrang liit na.”

“Napaka-unprofessional nung customer. Pwede naman siguro pag-usapan, hindi yung ganyan nagwawala ka. It’s not worth it.”