Maris Racal, nag-sorry sa komedyanteng si Vice Ganda

Maris Racal, nag-sorry sa komedyanteng si Vice Ganda
PHOTO : Maris Racal and Vice Ganda

Umani ng samu’t saring reaksyon online ang isang lumang video clip ni Maris Racal kung saan tinawag niyang “may edad na beki” ang komedyanteng si Vice Ganda.

Nag-viral sa social media platform na X (dating Twitter) nitong Huwebes, July 18, ang nasabing video na kuha mula sa isang vlog ni Maris.

Sa nasabing vlog, kasama niya ang dating PBB housemate na si Jai Agpangan at vlogger na si Kyo Quijano, kung saan naglaro sila ng “Pipilahan o Di Pipilahan”.

At isa nga sa kanilang pinagpilian si Vice na anila, “Pipilahan” umano nila.

Aminado sina Maris, Kyo, at Jai na “little pony” sila na tawag sa fans ni Vice.

Maris Racal, nag-sorry sa komedyanteng si Vice Ganda
PHOTO : Kyo Quijano, Maris Racal and Jai Agpangan

Sinabi rin nila na hinahangaan nila ang pagiging matalino ni Vice, hindi lang bilang komedyante kundi maging negosyante.

Ipinaliwanag naman ni Maris na kaya niya “pipilahan” si Vice dahil pakiramdam niya maganda itong maging “ate” o matandang kapatid na babae.

Maris, tinawag na “may edad na beki” si Vice

Dagdag pa ni Maris, tingin niya ay gagabayan umano siya ni Vice tuwing siya ay may kinakaharap na problema.

Ani Maris, “Tsaka feeling ko ang  ganda niyang maging ate…gusto ko may Vice Ganda or at least siya sa buhay ko. Feeling ko kasi iga-guide niya ako kung ano man ang problema ko.”

Pero hindi inaasahan ng marami ang susunod na sasabihin ni Maris, kung saan tinawag niyang may edad na beki o bakla si Vice.

Aniya, “Iba talaga pag may edad na no na beki?”

Segunda naman ni Kyo, “Marami kasing experiences eh. Mulat na sa reyalidad.”

“Parang iba yung growth,” dagdag ni Maris.

Vice, nag-react sa tinawag ni Maris sa kanya

Samantala, nakarating nga kay Vice ang sinabi ni Maris tungkol sa kanya.

Sa kanyang X account, ibinahagi ni Vice ang nasabing video clip mula sa vlog ni Maris.

Sa caption, inihayag ni Vice ang kanyang pagkagulat dahil sa itinawag ni Maris sa kanya.

Ani Vice, “Hoyyyy talaga ba, Maris????? ‘MAY EDAD NA BEKI’?!!!! Talaga lang ha!!!!!”

Agad namang tumugon si Maris sa tweet ni Vice.

Sa caption ng kanyang tweet, humingi ng sorry si Maris kay Vice dahil sa kanyang nasabi.

Aniya, “HOY SINONG NAGHALUNGKAT NITOOOOOOO???? SORRY MEME!!!! Love youuuu.”