Xian Lim nag-palda, inokray ng netizens: “Bagong tuli?”

Xian Lim nag-palda, inokray ng netizens: “Bagong tuli?”
PHOTO : Xian Lim and Iris Lee

Umani ng reaksyon mula sa netizens ang pag-palda ni Xian Lim sa premiere night ng pelikula nila ng kanyang new girlfriend na si Iris Lee na “Kuman Thong”.

Sabay na dumating sa  SM North Cinema, sa Quezon City, noong Lunes ng gabi, July 1 sina Xian at Iris kung saan magka-holding hands pa silang naglakad sa red carpet.

Sa ilang video na kuha ng ilang netizens, makikitang halos hindi mapaghiwalay sina Xian at Iris.

Tungkol saan ang Kuman Thong?

Inaasahan na ng marami na sabay na dadalo sa premiere night sina Xian at Iris dahil sila ang nasa likod ng kwento ng pelikula na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Althea Ruedas, Emman Esquivel, at Thai actor na si Max Nattapol.

Prinoduce ng Viva Vilms at Viva Studio ang “Kuman Thong” na isang horror film na base sa Thai occult tradition kung saan ang isang black magic baby ay pinaniniwalaang magdadala ng swerte sa may-ari nito at makakasama rin kung hindi sasambahin nang maayos.

Malaki ang papel ni Xian sa pelikula dahil siya ang nagsulat ng script at nag-direk nito, habang katuwang naman niya si Iris bilang kanyang associate producer.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula ngayong darating na Miyerkules, July 3.

Matapos nag-palda, Xian Lim inokray

Samantala, bukod sa pagsasama nina Xian at Iris sa premiere night ng kanilang pelikula, umagaw din sa atensyon ng marami ang outfit ni Xian kung saan nagsuot siya ng palda.

Pinagpiyestahan sa social media ang pagpapalda ni Xian dahil hindi raw ito bagay sa kanya.

Xian Lim nag-palda, inokray ng netizens: “Bagong tuli?”
PHOTO : Xian Lim nag-palda

Ayon pa sa ilang netizens, nagmukha raw ‘baduy’, ‘bagong tuli’, o ‘nireregla’ si Xian sa kanyang outfit.

Komento nila:

“Whahhaha bagung tuli??”

“Bakit  naka  palda ang layo ni Pau ang linis na tingnan ang gwapo pa at bata pa ng itsura  higit  s lahat bagay  n bagay  sila  ni kim”

“My monthly period yata si Xian”

“ganda ng dress mo xian”

“Parang uniform lang ng elementary yong palda”

“New member of x battalion from gensan”

“Bakit Ganon parang nag Mukha na c Xian na matanda at Ang suot nya bat nkapalda”

“Nagpalda ang ate xian nyo. S susunod magggown n yan hahaha”

“kaya siguro naghiwalay sila ni Kim kasi hindi sya pinayagan magsuot ng palda”

Sa panayam sa kanya ng TV showbiz reporter na si MJ Marfori, iginiit naman ni Xian na kaya siya nagpalda ay dahil gusto niyang sumubok ng bago at kakaiba.

Aniya, “I really just wanna […] show a little bit different.”