Naging usap-usapan ngayon sa social media ang naging post ng self proclaimed marites na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang si Xian Gaza.
Sa nakalipas na mga araw, naging maingay ang episodes ng Pinoy Big Brother sa social media na may kinalaman sa isyung kinasasangkutan ng mga housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Naging matunog ang kakatapos lamang na “Rap Battle” sa PBB GEN11 na kung saan naging tila personalan na ang naging batuhan ng mga linya ng housemates na sina Fyang at Jas.
Trending sa X o dating Twitter ang ilang clips nang sagutan ng dalawa na itinuturing ng mga netizens na “foul” o “insensitive”, ito rin ang dahilan kaya nakatanggap sila ng samu’t-saring batikos online.
Xian Gaza, may banta sa PBB management
Kamakailan, naging maingay ang post ni Xian Gaza sa kanyang social media na kung saan may pagba-banta ito sa pamunuan ng Pinoy Big Brother.
Ayon kay Xian Gaza, ilalabas nya umano ang “baho” ng PBB kung sakaling hindi ang pambatong housemate nitong si Fyang o Sofia Smith ang mananalo.
Aniya : “Kapag hindi si Fyang ang Big Winner ilalabas ko lahat ng baho ng PBB management”
Samantala, sa kakatapos lamang na Big Night ng PBB Gen11 na ginanap nakaraang sabado, itinanghal bilang Big Winner si Fyang na nakakuha ng 30.66 % na boto mula sa taong-bayan.
Sinundan naman ito ni Rain na itinanghal bilang 2nd Big Placer, si Kolette bilang 3rd Big Placer at si Kai Montinola bilang 4th Big Placer.
Naging madikit ang laban ng apat na natitirang housemates para sa titulong Big Winner dahil kung pagbabasehan ang 7pm na voting result nito ay nangunguna si Kolette na may pinakamataas na boto.
Ngunit sa huling mga minuto ay napansin ng mga netizens ang biglang paghabol ni Fyang na kung saan ito ang naging dahilan para sya ang tanghalin bilang Big Winner ng PBB GEN11.
Record Breaking naman na maituturing ang kakatapos lamang na Big Night ng PBB GEN11 dahil nakatala ito ng 2.26 million concurrent viewers.