Willie Revillame, ibinuking ang lihim ni Coco Martin

Willie Revillame, ibinuking ang lihim ni Coco Martin
PHOTO : Willie Revillame, Coco Martin and Julia Montes

Pinag-usapan sa social media ang ni Willie Revillame tungkol sa matagal nang isyu na may mga anak na ang celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Ngayong araw, July 15, opisyal na nagsimula ang bagong palabas sa TV5 ni Willie na pinamagatang “Wil To Win”.

Ngunit bago ito, nagkaroon muna ng pre-debut event noong nakaraang araw, July 14, para ipagdiwang ang pagbabalik sa telebisyon at sa TV5 ni Willie na ginanap sa New Frontier Theater sa Quezon City

Ang nasabing event ay tinawag na “WIL-come Back Party” at dinaluhan ng iba’t ibang artista at personalidad sa industriya ng telebisyon.

Willie Revillame, ibinuking ang lihim ni Coco Martin
PHOTO : Coco Martin and Willie Revillame

Bilang bahagi ng selebrasyon, ilang mga artista rin ang nagpadala ng kanilang video greetings para batiin si Willie sa kanyang pagbabalik sa telebisyon at bagong programa. 

Isa sa mga ito ay ang kilalang aktor at bida ng “Batang Quiapo” na si Coco Martin.  

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Willie kay Coco dahil sa mensahe nito sa kanya.

Ani Willie, “Thank you very much Tanggol! Thank you, Coco, sa pagbati mo. I like your bangs ha… Sobrang bait ‘tong si Coco Martin.”

Willie Revillame, nadulas; ibinuking ang tungkol sa mga anak nina Coco Martin at Julia Montes

Ngunit hindi rito natapos ang pasasalamat ni Willie dahil binanggit niya rin ang rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes.

Ikinagulat nga ng marami dahil bukod kay Julia, binanggit din ni Willie ang umano’y mga anak nito at ni Coco.

“Coco, to Julia, at sa mga anak n’yo, pamilya mo, salamat Coco,” wika ni Willie na nagdulot ng pagkagulat sa marami. 

Agad na nag-viral ang pahayag ni Willie na umani ng maraming reaksyon at komento mula sa netizens.

Ito’y dahil tila kinumpirma raw ni Willie ang matagal nang usap-usapan na may mga anak na sina Coco at Julia.

Matatandaang 2018 pa unang umugong ang isyung may anak na sina Coco at Julia.

Noong nakaraang taon, naging usap-usapan din ang isiniwalat ng showbiz columnist na si Cristy Fermin kung saan iginiit niyang totoong may anak na sina Coco at Julia, na isang babae at lalaki.

Sa katunayan, apat na taong gulang na raw ang panganay ng dalawa na may pangalang Matilda habang dalawang taong gulang naman ang kanilang bunso na isang lalaki at may palayaw na Popoy.

Ngunit kailanman ay hindi   kinumpirma nina Coco at Julia ang isyung may anak o mga anak na sila.

Kaya naman inaabangan na ng marami ang reaksyon nina Coco at Julia dahil sa pahayag ni Willie na may mga anak na sila.