VP Sara Duterte may sugat sa leeg, muntik na mapugutan ng ulo?

VP Sara Duterte may sugat sa leeg, muntik na mapugutan ng ulo?
PHOTO : Sara Duterte

Sa wakas ay nagsalita na si VP Sara Duterte sa isang panayam kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kaniyang sugat sa leeg.

Kung ating babalikan, napansin ng maraming netizens ang peklat sa leeg ni VP Sara Duterte noong nagbigay siya ng kaniyang talumpati matapos nitong ianunsyo ang kaniyang resignation bilang DepEd secretary at bilang vice chairperson ng NTF ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict).

Napansin rin ng mga taga-Davao ang peklat na ito sa leeg ni VP Sara nang dumalo ito sa pagdiriwang ng Araw Ng Kalayaan sa Davao City noong June 12.

Sa isang viral video sa social media, naitanong kay VP Sara kung ano ang nangyari sa kaniyang leeg.

Agad itong sinagot ng Vice President, sinubukan umano siyang laslasan sa leeg ngunit hindi umano nagtagumapay ang nag-tangka sa kaniyang buhay.

VP Sara Duterte may sugat sa leeg, muntik na mapugutan ng ulo?
PHOTO : Sara Duterte

Sagot ni VP Sara : “Sinubukan nila akong i-gulgul [laslasin ang leeg] pero hindi sila nagtagumpay”.

Hindi naman binanggit o binigyan ng pangalan ni VP Sara kung sino-sino ang may gawa nito sa kaniya sa kadahilanan na nagka-peklat ang kaniyang leeg, sa halip ay tinawag lamang niya itong “sila”.

VP Sara resignation

June 19, gulat na gulat ang marami matapos ianunsyo ang pagbibitiw ni VP Sara sa puwesto bilang Department of Education (DepEd) secretary.

Bukod dito ay nagbitiw rin si VP Sara bilang Vice Chairperson ng NTF-ELCAC o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa paglalahad ng Presidential Communications Office (PCO) : “At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered her resignation as Member of the Cabinet, Secretary of the Department of Education, and Vice Chairperson of the NTF-ELCAC, effective 19 July 2024,”.

“She declined to give a reason why. She will continue to serve as Vice President,” dagdag pa nito. “We thank her for her service.” dagdag ng PCO.

Hindi lulan ng kahinaan

Para naman kay VP Sara, ang pagbitiw niya sa dalawang pwesto niya sa gobyerno ay hindi lulan ng kaniyang kahinaan, ito ang kaniyang pagbabahagi sa pamamagitan ng isang press conference.

Aniya : “Ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan, kundi dala ng tunay na malasakit sa ating mga guro at kabataang Pilipino,”

“Bagamat hindi ako magpapatuloy na mamamahala sa kagawaran, patuloy pa rin nating itataguyod ang kalidad ng edukasyon na nararapat para sa Pilipino,” dagdag ni VP Sara.