Vlogger, pinapahanap matapos nagdulot ng matinding traffic

Vlogger, pinapahanap matapos nagdulot ng matinding traffic
PHOTO : Boss LB

Pinapahanap na ng Highway Patrol Group Central Visayas ang isang vlogger matapos itong nagdulot ng matinding traffic sa isang highway.

Vlogger sa Cebu, nagdulot ng matinding traffic matapos nag ala-kuhol

Viral sa social media ang video ng content creator o vlogger na si Boss LB matapos niyang inupload online ang kanyang content na tila nag-ala kuhol sa kahabaan ng isang highway sa Consolacion Cebu.

Makikitang naka-costume pa ito habang gumagapang sa kalsada na tila ginagaya ang mabagal na kilos ng isang kuhol.

Sa kanyang caption : “Snail man”.

Ayon naman sa mga nakapanood sa content na ito ng vlogger, tila naging perwisyo umano ito dahil nagdulot umano ng matinding traffic ang kanyang ginawa.

Ayon naman kay Police Lt Col. Wilbert Parilla, hepe ng HPG 7, hindi tama ang ginawa ng vlogger dahil hindi lang heavy traffic ang kinalabasan ng kaniyang pag-content sa kalsada maging ito rin ay isang uri ng “public disturbance”.

Public Apology

Matapos mabalitaan ng vlogger na pinapahanap na siya ng kapulisan, agad itong pumunta at sumuko sa estasyon ng mga Pulis para humingi ng paumanhin sa kanyang nagawa.

Naglabas din ang vlogger ng public apology video sa kanyang Facebook page upang humingi ng tawad sa kanyang mga na-perwisyo.

Ayon sa kanya, hindi umano siya ang dahilan ng matinding traffic sa nasabing highway dahil naka-stop sign (red light) umano ang traffic light bago siya lumapit at gumapang-gapang sa kalsada.

Tila agad naman siyang tumayo noong nag green light na (Go sign) ang traffic light matapos kunan ang kanyang eksena para maging content sa social media.

Ang mga busina umano na maririnig sa kanyang video ay ‘sound effects’ lamang at hindi umano bumubusina ang mga commuters noong gumagapang siya sa kalsada.

Aniya : “Naghanap din ako ng timing na traffic, kung saan patungong ‘Go’ ang stoplight. Pasensya, effects lang (sound).”

Ayon naman sa PNP, nahaharap parin ang vlogger sa patung-patong na kaso dahil sa kanyang ginawa.