Vlogger na si Ai Moralde, sinama ang picture niya sa EJK victims

Vlogger na si Ai Moralde, sinama ang picture niya sa EJK victims
PHOTO : AI Moralde

Umalma ang Cebuano vlogger na si Ai Moralde matapos makita ang kanyang larawan sa isang ulat tungkol sa mga nasawi dahil sa war on drugs.

Sa nasabing ulat, ipinakita ang isang altar na may mga picture frame ng umano’y mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) noong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Vlogger na si Ai Moralde, buhay na buhay

Laking gulat ni Al Moralde nang makita niya ang kanyang larawan sa altar ng mga di umano’y biktima ng EJK.

Dahil dito,tinawag niyang “fake news” ang network na nag-ulat sa kanyang Facebook post at mariing itinanggi na siya ay pumanaw na.

Ayon kay Moralde, ginamit ang kanyang larawan para palabasin na isa siyang biktima ng EJK.

Ani Al Moralde sa Cebuano, “Mao ni ang pinaka-fake news kay ako na gyud ang gihimong patay. Ywa. Oh, gihimo kog patay sa mga giatay. Kaning ABS-CBN Grabeee. Nangahurot na gyud siguro ilahang mga tinigom kay desperado naman gyud sila mandaut.”

(Tagalog translation: Ito na ang pinakanakakatawang fake news dahil ginawa na akong patay. Hayop! Ginawa akong patay ng mga walanghiya. Grabe ang ABS-CBN! Mukhang naubos na ang kanilang mga pinag-ipunan dahil desperado na silang manira.)

Mga larawan na hindi biktima ng EJK, naglabasan

Bukod kay Al Moralde, ilang kamag-anak din ang pumalag sa paggamit ng mga larawan ng kanilang kaanak at sabihing biktima ito dahil sa EJK.

Gaya na lamang ng isang netizen na si Kristine Tangonan na nilinaw na hindi namatay ang kanyang kapatid dahil sa war on drugs ni Duterte.

Aniya, “Gusto ko lang pong linawin na ang aking kapatid na si Aldrin M. Tangonan ay hindi biktima ng war on drugs. Siya ay pinatay ng isang kriminal dahil sa selos -hindi siya biktima ng anumang operasyong may kinalaman sa droga.”

Dagdag niya, “Sobrang bigat na ng pinagdadaanan ng aming pamilya, at mas lalong nakakadagdag sa sakit ang maling impormasyon na kumakalat tungkol sa kanyang pagkamatay. Hinihiling namin ang respeto- hindi lang para sa amin, kundi lalo na para sa aking kapatid, na dapat alalahanin nang tama at may dignidad.”

Panawagan ni Kristine, “Maging responsable tayo sa pagbabahagi ng impormasyon at iwasan ang pagpapakalat ng maling detalye na lalo lang nagpapahirap sa mga naiwan. Maraming salamat sa lahat ng nakikiramay at nakakaunawa sa aming sitwasyon.

Nauna na ring pinabulaanan ng isang netizen na nagngangalang Victoria Banal ang kine-claim ng kanyang kapitbahay na si Aling Sheila na isa ang kanyang anak sa biktima ng war on drugs noong pamumuno ni Duterte.

Ayon pa sa kanya, namatay ang anak ni Aling Sheila noon lamang nakaraang taon, at hindi sa kasagsagan ng pamumuno ni Duterte.

Samantala, sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang network ukol sa alegasyong maling impormasyon ang kanilang inilabas tungkol sa EJK victims.