Nagsalita na ang matandang tricycle driver tungkol sa viral video nang pagkaladkad niya sa isang pusa habang nakatali ito.
Ayon sa kanya, hindi niya alam na may nakataling pusa sa likod ng kanyang tricycle habang siya ay nagma-maneho, pero iba ang naging reaksyon ng mga netizens na nakapanood sa nasabing video.
Ani ng tricycle driver : “Ako si June Mendoza 71 years old, ako po yong driver na nag viral kahapon na may nakataling pusa ng hindi ko alam.
“Kung sino ang nag tali na maaring mga bata na posibleng ang nag tali.
“Humihingi ako ng paumanhin, dahil sa kahinaan ng aking pandinig, ng hindi ko alam na may pusang nakatali sa likod ng aking tricycle.
“Wala akong intensyon na saktan, o parusahan ang pusa, noong may sumisigaw sa aking likuran, ay agad kung itinabi ang aking tricycle at agad kong pinakawalan ang pusa na nakatali sa aking tricycle.
“Inaasahan ko ang inyong pag unawa, muli ako po ay humihingi ng taos pusong paumanhin, maraming salamat po sa inyong pag unawa” dagdag niya.
Pusa kinaladkad ng tricycle viral video
Ngunit tumaas ang kilay ng mga netizens matapos mag-labas ng official statement ang tricycle driver, maririnig kasi sa viral video ng pagka-ladkad sa kawawang pusa ang katagang binitawan niya na ‘Itatapon ko lang!’.
Habang nakaka-ladkad ang kawawang pusa ay may isang concern citizen na si Ken Ordonio ang nakakuha ng buong video sa pangyayari.
Dito nagawa niyang sigawan ang tricycle driver dahil nahihirapan na ang pusa sa pagkaka-kaladkad nito.
Ani Ken : “Boss ‘yong pusa nahihirapan!, boss…. Boss! pinapahirapan mo ‘yong pusa!”
Patuloy parin sa pag-maneho ang tricycle driver at kitang-kita na alam niyang may pusa na nakaka-ladkad dahil napa-tingin pa siya sa pusa habang hirap na hirap na ito.
Ani Ken : “Boss anong ginagawa mo diyan sa pusa?”.
Sagot ng tricycle driver : “Itatapon ko lang!”.
Taliwas ang video sa official statement ng tricycle driver na kung saan sinabi niyang hindi niya alam na may pusa na nakatali sa kanyang mina-maneho.
Ayon pa sa mga nakaka-alam sa insidente, ginawa diumano ito ng tricycle driver sa kawawang pusa dahil nagnakaw ito ng ulam sa kanilang lamesa.
Sa ngayon ay magaling na ang pusa matapos itong dinala sa malapit na clinic ng naturang baranggay kung saan nangyari ang insidente.