Toni Fowler, na-stress sa pagka-wasak ng kiffy ni Mari Fowler

Toni Fowler, na-stress sa pagka-wasak ng kiffy ni Mari Fowler
PHOTO : Landon Moore and Mari Fowler

Viral ang latest episode ng reality show ng Toro Family matapos mag-reklamo si Ate Mari kay Toni Fowler tungkol sa matinding sakit na nararamdaman niya.

Ang dahilan? Ang masyadong pagiging “passionate” ng kanyang bagong jowa na si Landon Moore.

Mari Fowler’s new relationship

In case you missed it, may bagong karelasyon ngayon si Ate Mari at ito ay si Landon Moore, isang Amerikano o Afam.

Masaya ang dalawa sa kanilang blooming romance, ngunit nagkaroon ng “unexpected turn” ang kanilang love story nang magreklamo si Mari ng matinding sakit.

Toni Fowler, to the rescue kay Mari

Sa nasabing episode, ibinahagi ni Toni na bigla siyang na-stress kay Ate Mari matapos itong magsumbong na masakit ang kanyang kiffy.

“Eto na, tumatawag sa akin si Ate Mari, sobrang sakit daw ng pipi niya,” ani Toni na tila hindi makapaniwala sa reklamo ng kanyang ate.

Sa vlog, kitang-kitang “paika-ika” na maglakad si Ate Mari, kaya naman hindi naiwasan ni Toni na ma-stress sa sitwasyon.

Dahil dito, agad silang nagpunta sa doktor ni Toni upang patingnan ang dahilan ng pagsakit ng kiffy ni Ate Mari.

Dito ay inamin ni Ate Mari na napasobra ang pagpapakita ng pagmamahal nila ni Landon sa isa’t isa, kung saan umabot sila ng madaling araw.

Sa pagsusuri ng doktor, nakita ngang may konting gasgas ang kiffy ni Ate Mari dahilan upang makaramdam ito ng sakit.

Ayon naman sa doktor, normal lamang daw ito, lalo pa’t hindi biro ang laki ni Landon dahil may lahi ito.

Bukod dito, matagal na rin umano mula nang huling sexual intercourse ni Ate Mari.

Kasunod nito, pinayuhan ng doktor si Landon na magdahan-dahan at gumamit ng lubricant sa susunod na gawin nila ang deed.

Landon Moore, nangako kay Mari Fowler

Samantala, agad namang nagsorry si Landon at nangakong mas magiging “gentle” na siya sa susunod.

Aniya, “I feel sorry for my baby mommy, I was very worried when we went to the hospital because I wasn’t sure what happened.”

Dagdag pa niya, “I’m sorry, baby mommy. I promise to be gentle with your pipi.”

Sa kabila ng lahat, todo suporta pa rin si Toni kay Mari pagdating sa kanyang bagong relasyon.

Ipinahayag ng social media star na deserve ng kanyang ate ang kaligayahan matapos ang lahat ng kanyang sakripisyo sa pamilya.

Aniya, “So yung mga sakripisyo ng ate ko dati noon sa pag-aalaga kay Tyronia, sa pag-aalaga ng iba pa naming pamangkin bago pa kay Hapi, priceless yun. Kaya ngayon naco-conscious siya na, ‘Toni, masyado akong focus sa lovelife. Masyado akong longing.’ Alam mo te, maglumandi ka, alam mo te mag-libog ka, push mo yan may gusto ka. Sige suporta ako sayo, sa lahat ng kalandian mo, susuportahan ko…”

Dagdag niya, “Kaya ngayon na nakikita ko yung ate lp na masaya, na may gusto siyang subukan na bagong releasyon, wala akong ibang ibibigay sa ate kundi 100% na suporta.”

Samantala, umani ng mixed reactions mula sa netizens ang dilemma ni Ate Mari.

May mga netizens na naaliw at natawa sa rebelasyon ni Mari, ngunit may ilan ding bumatikos sa Toro Family.

Ayon sa ilang netizens, hindi na umano kailangang i-broadcast pa ang pinagdadaanan ni Mari dahil masyado itong pribadong usapin.

“May mga bagay na hindi na kailangang i-vlog. Dapat ‘yung ganitong personal na bagay, off-cam na lang,” komento ng isang netizen.

“Grabe, wala na talagang boundaries ‘tong pamilya na ‘to. Kahit ano na lang ginagawang content,” dagdag pa ng isa.