Toni Fowler, dinamayan si Queen Money sa isyu nito

Toni Fowler, dinamayan si Queen Money sa isyu nito
PHOTO : Queen Money and Toni Fowler

May emosyonal na mensahe si Toni Fowler para kay Queen Money, sa gitna ng matinding alitan nito sa dating kaibigan na si Joana Paca Rat.

Queen Money vs. Joana Paca Rat issue

Matatandaang naging kontrobersyal ang rebelasyon ni Joana laban kay Queen Money matapos niyang isiwalat sa publiko ang umano’y masasamang ugali ng kanyang dating best friend. 

Sa loob ng 10 taon nilang pagkakaibigan, sinabi ni Joana na paulit-ulit umano siyang minamaliit, minumura, at tinatawag ng masasakit na salita tulad ng “tanga” at “bobo.”

Bukod dito, ibinulgar din ni Joana na nilalait umano ni Queen Money ang mga fans nito, at maging mga kapwa vloggers at celebrities na nakakatrabaho nila.

Isa nga sa mga pangalang nadawit ay si Toni Fowler, na kilalang personalidad sa social media at lider ng grupong Toro Family.

Reaksyon ni Toni Fowler sa isyung nilait siya ni Queen Money

Ngunit sa gitna ng mga batikos kay Queen Money, isang nakakagulat ngunit taos-pusong mensahe ang ipinaabot ni Toni para sa kanya.  

Sa isang pribadong mensahe na ibinahagi niya sa kapatid ni Queen Money na si Yayoi Corpuz, sinabi ni Toni na nakarating sa kanya ang pinagdadaanan ni Queen Money, at nais niyang kumustahin ang mental health nito.

Ayon pa kay Toni, ramdam niya at nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ngayon ni Queen Money.

Ani Toni, “Hello nag msg ako sa Ate mo dumaan kasi kayo sa feed ko at bilang dati ko nadin sya nakilala mag bespren nakichismis nako.

“Anyway naputol agad msg ko sakanya. Pero ang reason kung bakit ako nag msg ay gusto ko lang kamustahin ang mental health nya… at sana maging ok sya RAMDAM AT SOBRANG NAKAKARELATE AKO SAKANYA NGAYON.”

Dagdag ni Toni, “Gusto ko ipa abot ang concern ko sakanya. Na tatagan nya pa loob nya. Bilang leader mahirap yan pero laban lang.”

Bukod dito, nagpadala rin ng direktang mensahe si Toni kay Queen Money mismo upang iparamdam ang kanyang suporta.  

“Nag-PM ako sa inyo, magpakatatag ka,” maikli ngunit malaman niyang mensahe kay Queen Money.

Toni Fowler, ibinunyag ang tunay na ugali ni Queen Money

Sa isa pang mensahe, binalikan ni Toni ang kanilang nakaraang koneksyon, kung saan minsan na siyang natulungan ni Queen Money noon.  

Ayon pa kay Toni, alam niyang mabait si Queen Money kaya hindi raw niya agad ito hinusgahan nang marinig niya ang sinabi ni Joana na nilalait siya nito.

Ani Toni, “Hello Manica! Hindi ko alam kung naaalala mo pa ako. Ako yung dating nasponsoran nyo ng babes sa dance studio nyo sa Epic.

“Sa totoo lang, ang bait mo sa amin noon kaya hindi ako basta-basta naniniwala sa name drop sakin!”

Giit niya, “At kung madamay man ako sa laitan, jusko, sino bang hindi nagbabardagulan ng kapintasan ng iba pag sagad sa buto mo na yung kasama mo? Syempre lahat tayo may ganyang ugali na normal lang naman.”