SM, nagsalita na tungkol sa sekyu na nanakit ng student vendor

SM, nagsalita na tungkol sa sekyu na nanakit ng student vendor
PHOTO : Security Guard and Student Vendor

Naglabas ng official statement ang SM Megamall tungkol sa viral video ng studyanteng nagtitinda ng sampaguita at sa isang security guard.

Sa kumakalat na video, isang batang estudyante na babae ang nasa harap ng SM Megamall ang nagtitinda ng mga sampaguita.

May hawak siyang kahon sa kanyang isang kamay at ang mga sampaguita naman na kanyang tinitinda ang nasa kabilang kamay niya.

Ang security guard na makikita sa viral video ay tinanggal na sa kanyang serbisyo at hindi na makakapag-trabaho sa alinmang branches ng SM Malls.

Security Guard, nagawang tadyakan ang studyante sa harap ng Mall

Makikita sa naturang video ang pagsita ng gwardya sa bata ngunit ginamitan niya ito ng tadyak at pagsira sa mga sampaguitang binibenta ng studyante.

Agad na kumalat sa social media ang video at maraming netizens ang nainis at nagalit sa security guard.

May mga netizens ang nagsasabing may protocol sa mga gwardya na bawal talagang magtinda sa harap ng mall ang mga vendors pero sa pamamaraan umano ng gwardya ay hindi maayos ang pagsita niya sa batang studyante.

SM Mega mall, naglabas ng statement

Matapos nag-viral ang video, agad na naglabas ng pahayag ang SM Megamall tungkol sa insedente, dito na nila sinabing tinanggal na nila sa serbisyo ang naturang gwardya.

Anila : “We regret and sympathize with the young girl who experienced an unfortunate incident outside our mall.

“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation. The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls.

“As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her.” ani ng SM Megamall.

Narito ang komento ng mga netizens :

“DSWD is waving na kuya guard, mas ok nga yang bata kasi nag hahanap buhay para lang may baon o kaya pambili ng requirements sa school o kaya pangkain tapos ginanon mo pa yung paninda niya.”

“Dapat di mo sinira yong bulaklak. Alam mo ba kung paano pinaghirapan gawin yan para lang may maibenta sila? Dapat pinaalis mo nalang kung pinagbabawal ng Mall yan.”