Rudy Baldwin, may nakakatakot na vision sa China at Pilipinas

Rudy Baldwin, may nakakatakot na vision sa China at Pilipinas
PHOTO : Rudy Baldwin and China

Nag-viral ang bagong prediksyon ni Rudy Baldwin tungkol sa China, na kanyang isinapubliko nitong Huwebes, July 11, 2024. 

Ayon sa kanya, malapit nang maranasan ng China ang matinding mga sakuna dulot ng kalikasan.

Sinabi ni Baldwin na magkakaroon ng malawakang pagkasira sa ilang bahagi ng China.

Vision ni Rudy Baldwin sa China

Magkakaroon ng malalaking bitak sa lupa at karagatan, na maaaring magdulot ng pagguho ng mga gusali at pagkawala ng maraming buhay.

Rudy Baldwin, may nakakatakot na vision sa China at Pilipinas
PHOTO : Rudy Baldwin 2024 predictions

Dagdag pa niya, makakaranas ang China ng biglaang tsunami na magdudulot ng mataas na hampas ng tubig sa kalawakan ng bansa.

Ani Baldwin, “NGYAYARI NA KUNG SAAN HALOS NAHATI ANG ISANG BAHAGI NITO .KAGAYA NG AKING BINANGGIT NA ANG TUBIG SA KARAGATAN AY MAPUNTA SA BAYAN NG CHINA. NGUNIT ANG HIGIT NILA PAGHANDAAN ANG PAGPASOK NG BIGLAANG TSUNAMI ISANG KATAHIMIKAN SA PAGBALIK NG TUBIG SA DAGAT AT SYA NAMAN HAHAMPAS AT MATAAS NA TUBIG SA KALAWAKAN NG CHINA.”

Vision ni Rudy Baldwin sa China, damay ang ibang bansa

Hindi lamang ang China ang apektado dahil mararamdaman din ang epekto ng mga kalamidad na ito sa mga kalapit bansa. 

Ayon kay Baldwin, magkakaroon din ng mga malalaking sinkhole sa dagat at lupa. 

Bukod dito, nakita rin ni Baldwin ang pagkasawi ng ilang mga kilalang tao sa China dahil sa tindi ng epekto ng hamon ng kalikasan.

Kasama rin sa kanyang prediksyon ang pagputok ng ilang mga bulkan sa China, na magdudulot ng karagdagang pinsala.

Ani Baldwin, “ISANG PANGYAYARI NA HALOS DANASIN DIN NG IBANG KARATIG NA BANSA.NGUNIT ISANG BITAK NG LUPA MAN O TUBIG NA HALOS HUMIWALAY ANG BAHAGI NITO SA CHINA .ISANG PANGYAYARI NA MASABI NG MGA TAO NA DIOS NA ANG GUMALAW PARA SA KATAHIMIKAN.

“AT PAGAKAROON NG MALAKING SINKHOLE MA DAGAT MAN O LUPA.SA HAMON NG KALIKASAN AT PAGYANIG NG LINDOL HALOS MAIHAMBING MO SA KAGULUHAN ANG PAGBAGSAK NG MGA GUSALI NITO NG DAHIL LANG SA TINDI NG HAMON NG KALIKASAN.

“ME NAKITA AKONG MGA KILLAANG TAO NASAWI DAHIL SA TINDI NG HAMON NG KALIKASAN AT ME ISANG PAGPUPULONG NA NAGANAP SA CHINA NA KUNG SAAN BIKTIMA LAHAT NG PAGGUHO NG GUSALI NG DAHIL SA HAMON NG KALIKASAN .ISANG PANGYAYARI NA MARAMING NASAWI DAHIL SA PAGBAGSAK NITO NA HALOS NADAGANAN ANG LAHAT. AT ME ILANG MGA BULKAN ANG MAG ERUPTION SA CHINA SA PAG ERUPTION NG ILANG VOLCANO SA CHINA.”

Pilipinas, tutulong sa China?

Samantala, naniniwala naman si Baldwin na mananatiling mabuti ang Pilipinas at tutulong sa China sa kabila ng gulo sa West Philippine Sea.

Inaasahan niyang pangungunahan ng Pilipinas ang pagtulong sa mga apektadong lugar sa China.

Nagbigay paalala si Baldwin sa mga tao na mag-ingat at laging manalangin. Aniya, “NASA SA INYO KUNG PANIWALAAN NINYO ANG MAHALAGA MAG INGAT AT HUWAG NATIN KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI DIOS LAMANG ANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.”

Bagamat negatibo ang kanyang mga pangitain, naniniwala si Baldwin na ang mga babala ay dapat magsilbing paalala na maghanda. Dagdag pa niya, “TAO LANG AKO AT ANG DIOS PADIN ME ALAM SA LAHAT.”

Sa kabila ng takot at pangamba na dulot ng kanyang mga prediksyon, nananatiling positibo si Baldwin na sa pamamagitan ng pagdarasal at paghahanda, makakayanan ng bawat isa ang anumang pagsubok na darating.