Rosmar Tan matapos makipag-away sa Palawan : “tao lang. patawad”

Rosmar Tan matapos makipag-away sa Palawan : "tao lang. patawad"
PHOTO : Rosmar Tan and Coron, Palawan staff

Humingi ng tawad ang influencer na si Rosmar Tan matapos silang masangkot ni Rendon Labador sa isang kaguluhan sa Coron, Palawan.

Ang masaya sanang bakasyon ng grupo ni Rosmar Tan na #TeamMalakas sa Coron ay naging mitsa para makatanggap sila ng samu’t-saring batikos ngayon mula sa netizens.

Noong June 14 nagbakasyon ang Team Malakas sa Palawan, dito na naisipan ng kanilang grupo na magsagawa sila ng isang charity event para mamahagi ng tulong sa bayan ng Coron.

Pagkatapos ng kanilang charity event, hindi nagustuhan nina Rosmar at Rendon ang naging patutsada ng isang government official ng Coron, Palawan.

Sa naturang post ni Jocelyn [Coron, Palawan staff], sinabi nito na ginamit lamang umano ng mga vlogger ang mga taga Coron para pagkakitaan sa social media.

Kwento pa ni Rosmar na nakasakay na sila ng speed boat nang biglang makarating sa kanila ang post ni Jocelyn Trinidad na bumabatikos sa kanila.

Maliban dito, hinamon din ni Jocelyn ng suntukan si Rendon.

Post ng staff sa Coron, Palawan

Aniya, “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?”

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…Ekis kayo.”

Dahil sa naturang post ni Jocelyn, sumugod ang grupo nina Rosmar at Rendon na #TeamMalakas sa munisipyo ng Coron, Palawan para komprontahin si Jocelyn hinggil sa post nito laban sa kanila.

Staff ng munisipyo nag-public apology kina Rosmar at Rendon
PHOTO : Rosmar Tan and Rendon Labador

Rendon sa staff: “Pumunta kami dito para tumulong at i-promote ang Coron”

Sa video na ibinahagi ni Rendon sa Facebook, mapapanood ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng grupo nila ni Rosmar at ng staff mismong sa loob ng munisipyo. 

Makikita ang galit sa mukha ni Rendon habang kinokompronta ang staff.

Bwelta ni Rendon, pumunta sila sa Coron para i-promote ang turismo pero sila pa ang siniraan ng staff.

Sa video, makikitang dinuduro ni Rendon ang staff sa tindi ng kanyang galit.

Dahil dito maraming netizens ang nanawagan na sana raw ay patawan ng persona non grata si Rosmar at si Rendon dahil sa ginawa nila sa isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawan.

Imbes na kampihan, marami ngayon ang bumabatikos kay Rosmar at Rendon dahil sa nangyari.

Ani ng netizen : “Coron doesn’t need these vloggers to promote their tourism. Coron is already famous all over the world. ituloy ang persona non grata kay rosmar at rendon!”

Samantala, humingi ng tawad si Rosmar at aminado sila na mali ang kanilang ginawa, ayon pa sa influencer na maglalabas sila ng kanilang public apology upang maayos na ang gusot sa pagitan nila at ng staff sa Coron, Palawan.

Ani Rosmar : “Nag usap usap na kami Team Malakas para maiayos mga mali na nagawa namin. Again pasensya na po sa mga naapektuhan. Mamayang Gabi post po namin ang PUBLIC APOLOGY from our team na hinihintay ng lahat”

“Nasaktan kami sa nangyari pero aminado kami na nagkamali din kami tao lang. Patawad #TeamMalakas.”