Rosmar Tan at Rendon Labador, kakasuhan ng Coron, Palawan

Rosmar Tan at Rendon Labador, kakasuhan ng Coron, Palawan
PHOTO : Rosmar Tan and Rendon Labador

Posibleng kasuhan sina Rosmar Tan, Rendon Labador at buong miyembro ng grupo nila na Team Malakas ng mga board members ng Coron, Palawan.

Hindi umano sapat na ideklara lang na “persona non grata” sa buong lalawigan ng Palawan ang grupo ng social media personalities na pinangungunahan nina Rosmar Tan at Rendon Labador, o mas kilala bilang Team Malakas, kundi dapat ay patawan din ang mga ito ng mabigat na kaso.

Ito ang inihayag ng isang board member ng probinsya ng Palawan na irekomenda na sampahan ng kaso ang grupo nina Rendon at Rosmar.

Kaugnay pa rin ito sa isyu ng pambabastos diumano ng grupo nina Rosmar at Rendon sa isang empleyado ng Local Government Unit (LGU) ng Coron, Palawan kamakailan.

Kung matatandaan, sumugod sa munisipyo, o sa mismong Mayor’s office ang grupo nina Rosmar at Rendon para komprontahin ang nasabing empleyado matapos itong mag-post ng hindi magandang komento tungkol sa kanila kasunod ng charity event nila sa Coron.

Sinigawan, dinuro, at minaliit ng grupo, lalo na ni Rendon, ang nasabing empleyado.

Rosmar at Rendon, nakipag-away sa staff ng munisipyo sa Palawan
PHOTO : Coron Palawan staff and Rosmar Tan

Team Malakas, led by Rosmar Tan and Rendon Labador, declared ‘persona non grata’ in the entire Palawan region

Ngunit mariing kinondena ng mga opisyal ng Palawan ang ginawa ng grupo nina Rosmar at Rendon.

Sa isang privilege speech nitong Martes, June 18, inirekomenda ni 1st District Board Member Juan Antonio Alvarez ang pagdeklara  sa grupo nina Rosmar at Rendon, at iba pang miyembro ng Team Malakas, bilang “persona non grata” o “unwelcome” sa buong lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Alvarez, hindi lang ang nasabing empleyado ang binastos ng grupo nina Rosmar at Rendon kundi maging ang munisipyo ng Coron at ang mga mamamayan nito.

Dagdag niya, bagaman nag-sorry na ang grupo nina Rosmar at Rendon, hindi pa rin ito sapat at kailangan turuan ng leksyon ang mga ito para matuto mula sa kanilang maling inasal.

Ani Alvarez, “Kagabi po sila ay nag-public apology na. Pero para sa akin po, kulang pa rin ito, kailangan pa rin nilang maturuan ng leksyon…Hindi po kasi porket ba tumutulong ka, hindi po porket na nagbibigay kayo ng ayuda ay may karapatan ka nang mambastos ng kapwa mo Pilipino, kapwa mong tao.

“Hindi po ‘yon rason. Hindi mo po pwedeng ipamukha sa kapwa mo tao na dahil tumutulong ka, pwede na kitang duru-duruin, pagsisigawan, at ipahiya sa social media.

“Kaya naman po, let us discuss the possibility of also declaring the said personalities persona non grata, not just in the municipality of Coron, but the whole province of Palawan because they have no right to do what they just did,” dagdag ni Alvarez.

Palawan official suggests a possible lawsuit against Team Malakas, led by Rosmar Tan and Rendon Labador

Ngunit hindi sapat para kay 3rd District Board Member Rafael “Jun” Ortega Jr. na ideklara lang na persona non grata sa kanilang lalawigan ang grupo nina Rosmar at Rendon.

Para kay Ortega, wala itong silbi dahil isa lamang itong pagpapahayag ng kanilang sentimento na walang direktang epekto sa grupo nina Rosmar at Rendon.

Kaya inirekomenda niyang sampahan ng pormal at mabigat na kaso ang grupo nina Rosmar at Rendon.

Ani Ortega, “Tayo po ay sumusuporta sa panukala ni Board Member Anton na ideklara sila na persona non grata, hindi lamang sa bayan ng Coron, kundi sa [buong] lalawigan ng Palawan. Dahil ang pambabastos po nila ay hindi lamang sa isang babae,

“kundi sa opisina ng municipal mayor ng Coron at sa buong lalawigan ng Palawan. Hindi po welcome sa Palawan ‘yung mga ganung sinasabi na sikat na tao, ‘yung babastusin mo ang Palaweño.”

“Ako, tingin ko nga, if I may suggest kay Board Member Anton, kasi kung persona non grata lang yan, it’s just an expression of sentiment na you are not welcome in Palawan. But, anong epekto ng isang persona non grata ka lang?

“Tingin ko, baka pwedeng pag-aralan natin. Humingi tayo ng suhestiyon sa ating mga legal minds kung pwede anong isampa nating kaso dito. Dahil tinitingnan ko, baka pwedeng kasuhan ng oral defamation or kung ano pang mas greater offense na mas pwedeng ikaso sa kanila… Para madala ‘yung ganitong mga tao,” diin ni Ortega.