Rosmar at Rendon, dineklarang persona non grata sa buong Palawan

Rosmar at Rendon, dineklarang persona non grata sa buong Palawan
PHOTO : Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas

Idineklara bilang persona non grata ang mga influencer na sina Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas sa buong lalawigan ng Palawan.

June 14, pinag-usapan sa social media ang video na inupload ni Rendon dahil sa mainit at magulong komprontasyon sa pagitan ng grupo nila ni Rosmar at ng LGU staff ng Coron, Palawan na si Jocelyn Trinidad.

Rosmar at Rendon, posibleng patawan ng persona non grata sa Palawan
PHOTO : Rosmar Tan and Rendon Labador

Nag-ugat ang naturang issue dahil sa pag-post ng LGU staff na si Jocelyn laban sa grupo nina Rosmar at Rendon sa social media.

Sinabi ni Jocelyn sa kaniyang post na ginamit lamang ang mga taga Coron, Palawan nina Rosmar at Rendon para pagkakitaan sa social media.

Rosmar, Rendon at Team Malakas nagsagawa ng charity event sa Coron, Palawan

Kung ating babalikan, nagbakasyon ang #TeamMalakas sa Coron, Palawan at naisipan nilang mamahagi ng tulong gaya na lamang ng mga groceries, cash prizes at nagpalaro rin sila sa mga mamamayan ng Coron.

Sa galit na pagbabahagi ni Rosmar, sakay na umano sila ng isang speed boat nang biglang makarating sa kanila ang post ni Jocelyn na bumabatikos sa kanila sa social media.

Post ni Jocelyn : “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?”

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…Ekis kayo.”

Dahil sa naging tirada ng LGU staff sa kanila online, agad na sumugod ang #TeamMalakas kabilang sina Rosmar at Rendon sa munisipyo ng Coron, Palawan para komprontahin si Jocelyn hinggil sa post nito laban sa kanila.

Mapapansin sa viral video na galit na galit na si Rendon habang kinokompronta at sinisigawan niya ang LGU staff na si Jocelyn.

Ngunit maraming netizens ang na-imbyerna dahil dinuduro-duro pa ni Rendon ang LGU staff dahil sa tindi ng kanyang galit.

Rosmar at Rendon, dineklarang persona non grata sa Coron, Palawan

Agad na nag-viral sa social media ang naturang video ngunit imbes na kampihan, nakatikim ng samu’t-saring batikos ang mga influencers.

Mabilis rin na naghain ng isang resolusyon ang LGU ng lalawigan upang mapatawan bilang persona non grata ang mga influencer na sina Rosmar, Rendon at ang grupong #TeamMalakas.

Rosmar at Rendon, dineklarang persona non grata sa buong Palawan

June 18, inirekomenda rin ni first district board member Juan Antonio Alvarez na patawan bilang persona non grata sina Rosmar, Rendon at ang buo nilang grupo sa buong lalawigan ng Palawan.

Ani Alvarez : “Alam naman natin kung ano ang pinaka-trending ngayon sa social media, at ito nga ang issue sa Coron kung saan nagkaroon ng malaking kabastusan na nangyari sa institution ng munisipyo ng Coron.

“So, ang chronological events nun ay pumunta sila sa coliseum ng Coron para magbigay sana ng ayuda.

“On that day, tsaka po sila humingi ng assistance sa LGU. At bilang LGU, sila naman po ay tinugunan, sila ay in-assist doon sa event nila na biglaan. At same time, hindi na maiwasan na dumagsa ang tao.

“Nagkaroon din po ng insidente na nag-post ang isang staff ng mayor’s office na si Jho Trinidad on her personal Facebook page ng kanyang damdamin na hindi raw po nabigyan ng kaunting [tulong yung ibang pumunta].

“Kumbaga, nag-voice out siya ng kanyang damdamin sa nangyayaring event at nabasa po ata ng Team Malakas. At doon nagsimula ang kaguluhan.

“Sinugod po nila Rendon at Rosmar si Jho doon po sa opisina ng mayor, doon nagsisigaw sila at nagduduro-duro. Nabastos na po ang institusyon ng munisipyo ng Coron.”

“So, sabihin na natin mali ang pinost ni Ma’am Jho. Pero ito po ay kanyang personal na opinyon, ipinost niya po ito sa kanyang personal na Facebok page, hindi niya po ito ipinost as official opinion or stand ng munisipyo ng Coron.

“Ang reaction po ng Team Malakas ay sumobra. Hindi maganda ang ginawang reaction ng Team Malakas.

“Nadamay ang buong munisipyo ng Coron sa aksyon ng iisang tao na hindi naman dapat. Na-generalize po nila na ang tao ng Coron ay masama.

“Hindi po totoo yan. Kilala ko po ang mga taga-Coron. Lagi po ako nandoon. Lagi ko pong nakakasama ang mga tao ng Coron.

“Ang mga tao ng Coron masayahin, matulungin. Grateful yan sila kapag may mga tumutulong.

“Hindi po fair sa bayan ng Coron, sa mga tao ng Coron, na mabansagan sila ng ganoon klaseng ugali.

“Masakit po sa damdamin ko na bilang Palaweño, bilang nagmamahal sa munisipyo ng Coron, sa lalawigan ng Palawan, na mangyari ito sa atin.” Ani Alvarez.

Dagdag pa niya : “Hindi po kasi porket ba tumutulong ka, hindi po porket na nagbibigay kayo ng ayuda ay may karapatan ka nang mambastos ng kapwa mo Pilipino, kapwa mong tao.

“Hindi po yon rason. Hindi mo po puwedeng ipamukha sa kapwa mo tao na dahil tumutulong ka, puwede na kitang duru-duruin, pagsisigawan, at ipahiya sa social media.

“Hindi po dapat natin palampasin yan. Kailangan matuto ang mga gumawa ng mga aksyon na yan.

“Kaya naman po, let us discuss the possibility of also declaring the said personalities persona non grata, not just in the municipality of Coron, but the whole province of Palawan because they have no right to do what they just did.”

Rosmar Tan, Rendon Labador at Team Malakas public apology

Kahit umano naglabas ng kanilang public apology ang mga influencer noong June 17, inihayag ni Alvarez na hindi umano ito sapat dahil sa kahihiyan at sa bastos nilang asal sa loob mismo ng munisipyo sa Coron, Palawan.

Rosmar Tan at Rendon Labador, naglabas ng kanilang public apology
PHOTO : Rosmar Tan and Rendon Labador

Dagdag ni Alvarez : “Kagabi po sila ay nag-public apology na. Pero para sa akin po, kulang pa rin ito, kailangan pa rin nilang maturuan ng leksiyon.”