Robi Domingo, may patama kay Dennis Trillo dahil sa ABS-CBN?

Robi Domingo, may patama kay Dennis Trillo dahil sa ABS-CBN?
PHOTO : Robi Domingo and Dennis Trillo

Viral sa social media ang diumano’y pasaring ng Pinoy Big Brother host na si Robi Domingo sa kapuso actor na si Dennis Trillo.

Sa ginanap na mediacon para sa Pinoy Big Brother GEN11, present si Robi at ang mga hosts ng naturang reality show.

Sa kalagitnaan naman ng mediacon, may isang katanungan ang sinagot ni Robi at binigyang diin nito na kahit anong mangyari ay hindi mawawala ang ABS-CBN.

Ani Robi : Kahit anong mangyari, may ABS-CBN pa rin.”

Dennis Trillo, nakatanggap ng maraming batikos matapos magtanong kung may ABS-CBN pa

Kung ating babalikan, kinuyog ng mga netizens at nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang aktor na si Dennis Trillo matapos tanungin ang isang netizen kung “May ABS pa ba?”.

Karamihan kasi sa mga fans ng kaniyang asawa na si Jennylyn Mercado ay napansin kung bakit hindi nila mahagilap ang aktres sa bagong GMA station ID ng kapuso network kamakailan.

Noong June 28, inilabas ng kapuso network ang bago nilang station ID para sa taong 2024 ngunit marami sa mga fans ni Jennylyn ang nagtaka kung bakit hindi nakasama ang aktres.

Lumitaw rin ang mga haka-haka sa social media na baka raw ay lilipat na si Jennylyn sa ABS-CBN kaya’t hindi na ito mahagilap sa bagong station ID ng Kapuso Network.

May isang mapangahas na netizen ang nagtanong kay Dennis kung may posibilidad ba na lilipat ang kaniyang asawa na si Jennylyn sa ABS-CBN.

“Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN” tanong ng netizen kay Dennis.

Sagot naman ng aktor : “May ABS pa ba?”

Dennis Trillo, binatikos matapos magkomento kung "May ABS pa ba?"
PHOTO : Dennis Trillo comment

Matapos pag-pyestahan at mag-viral sa social media ang naturang sagot ni Dennis ay nakatanggap ang aktor ng samu’t-saring batikos mula sa mga solid fans ng Kapamilya Network.

Kadahilan kaya naka-turn off na ang comment section ng aktor sa lahat ng kaniyang TikTok videos sa social media.

TikTok account ni Dennis Trillo, na hacked?

Samantala, pinabulaanan ng kampo ni Dennis ang naging komento nito sa social media tungkol sa presence ng ABS-CBN network.

Ayon kay Jan Enriquez, ang personal TikTok account umano ni Dennis ay na-hacked, nilinaw rin ni Jan na hindi si Dennis ang may hawak ng kaniyang account gayun busy umano ang aktor sa taping ng kaniyang proyekto na “Pulang Araw”.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kaniyang pahayag ang aktor na si Dennis Trillo.