Rabiya Mateo, itinakwil ng kanyang missing father

Rabiya Mateo, itinakwil ng kanyang missing father
PHOTO : Rabiya Mateo and Syed Mohammed Hashmi

Sa wakas ay nahanap na ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo ang kanyang missing father ngunit nagawa siya nitong itakwil.

Rabiya Mateo missing father

Taong 2022 ibinahagi ni Rabiya sa pamamagitan ng isang podcast na nagsisipag siya sa pagtatrabaho para makaipon dahil balak niyang lumipad papuntang Amerika upang mahanap ang kanyang biological father.

Para kasi kay Rabiya, buhay na buhay ang kanyang pag-asa na muling magkikita silang mag-ama at pakiramdam niya na malapit na silang magkasama.

“You know what, I really wanna look for him kaya isa rin ‘yun sa goal ko kaya I wanna save money talaga,

“Kasi I really wanna go to the US, to Chicago, for him ’cause I know he’s not getting any younger and ayoko magkaroon ng regrets sa buhay ko na I didn’t try.” panimula ni Rabiya.

“He has always been my source of inspiration na gagalingan ko, na pagbubutihin ko na kapag nakita niya ko, sasabihin niya, ‘kahit pinabayaan ko ‘yan she turned out to do well sa buhay.’ And wala, mahal ko talaga ‘yung daddy ko. I really love him.

“Overall, wala akong bitterness sa heart ko towards him kasi I know kahit masakit, iniwan n’ya kami, may rason siya and actually ‘di ko na kailangan marinig kung ano ‘yung rason na ‘yon.

“Gusto ko lang malaman kung okay siya, safe siya at kung kailangan n’ya ko bilang anak, I’m gonna be there to serve him despite na iniwan n’ya ko at saka ‘yung kapatid ko.

“All I know is, what 19 years ago, parang the last time he was in Chicago, Illinois. I have no idea talaga but I know he’s a doctor, ‘yung Mama ko, ‘di pa uso ang ghosting, na-ghost na ‘yung Mama ko,

“Nobody messaged me with his name pero, ako in my heart, alam ko na magkikita kami ng dad ko and ‘pag nangyari ‘yon wala talagang bitterness in my heart talagang yayakapin ko lang talaga s’ya and mamahalin ko ‘yung tatay ko nang buong-buo,” dagdag ni Rabiya.

Rabiya Mateo, natukoy na ang kanyang biological father

January taong kasalukuyan, sa wakas ay natukoy na ni Rabiya ang kinaroroonan ng kanyang Indian-American biological father na si Syed Mohammed Hashmi sa Amerika at nagka-usap sila sa isang telepono.

Ayon sa mga ulat, sobrang iniyakan umano ni Rabiya ang kanyang ama dahil nagawa siya nitong itakwil at pagsabihan ng mga masasakit na salita.

Sa ngayon ay isang ganap na doktor na ang ama ni Rabiya at marangya na umano ang pamumuhay nito sa Amerika.

Ani umano ng ama ni Rabiya sa kanya : “Don’t message me and my family. I don’t care about you. I want nothing to do with you.”

Rabiya, sobrang nasaktan

Sobrang nasaktan man si Rabiya, malaki parin ang pasasalamat niya dahil sa wakas ay natapos na ang paghahanap niya sa kanyang tunay na ama.

Tanggap na rin ni Rabiya na walang pakialam ang kanyang ama dahil hindi ito ang nagpalaki sa kanya at wala silang koneksyon sa isa’t-isa pero tuloy parin ang buhay ni Rabiya.