Queen Money, ipinagtanggol ang sarili laban kay Joana Paca Rat

Queen Money, ipinagtanggol ang sarili laban kay Joana Paca Rat
PHOTO : Queen Money and Joana Paca Rat

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang batuhan ng dating mag-bestfriend na sina Queen Manica Money at Joana Paca Rat.

Queen Money at Joana Paca Rat friendship

Lingid sa kaalaman ng lahat, mula high school, college, hanggang sa maging vloggers sila ay magkasama na sina Queen Manica Money at Joana Paca Rat.

Ngunit nitong nakaraang taon lang ay nagulat ang lahat nang inanunsyo nilang “friendship over” na sila.

Ang 10 years friendship nila ay tila nasayang at ang itinuturong dahilan ni Joana ay ang di umano’y masamang ugali ni Queen Money.

Side of the Story ni Joana

Sa video na kanyang in-upload, matapang na isiniwalat ni Joana ang di umano’y masamang ugali ni Queen Money.

Ayon kay Joana, sa loob ng 10 years nilang pagkakaibigan ni Queen Money ay grabe raw siya nitong murahin, maliitin, at pagsalitaan ng kung ano-anong masasakit na salita gaya ng “tanga” at “bobo”.

Aniya, “Ayoko na kasing itago to dahil sobra na eh,. Hindi ko na kasi kaya yung mga ginagawa mo. Hindi na ako makapagtimpi sa sobrang sama ng ugali mo…

“Buntis ako pero grabe yung trauma at stress na binigay mo sa amin…Pati yung pinagbubuntis kong bata walang takas sa kasamaan ng ugali mo…Sa loob ng 10 years na pagsasama natin bilang magkaibigan, alam ko na yung ugali mo…

“Grabe mo akong murahin, grabe mo akong pagsalitaan. Tawagin ng b*b*, t*nga, lahat tinatanggap ko kasi mahal kita. Pero lahat ng iyon binabalewala ko kasi nga alam ko yung ugali mo. Diba pinaniwala mo ako na hindi ko kayang mag-isa, grabe mo nga akong idown diba, kung pupurihin mo ako, sarcastic ka pa.”

Ngunit hindi lang iyan, isiniwalat din ni Joana ang di umano’y panlalait ni Queen Money sa mga nakakatrabaho nilang vloggers, celebrities, at maging fans.

Aniya, “Lahat ng kaibigan ko at mga kakilala ko nilalayuan ko dahil yun ang gusto mo diba kasi lahat ng mga nakakasama natin at nakakatrabaho natin dati, nilalait mo at sinisiraan mo sa akin.”

Giit pa niya, “Grabe magsinungaling, magmanipula, at magpanggap. Grabe ka magpanggap…daig mo pa si Rhodora X, hindi lang split personality ang meron ka kundi multi personality. Lalo na sa mga fans mo grabe ka magpanggap…

“Ito hindi ko to makakalimutan, kasi grabe mo yakapin at mahalin ang fans mo sa social media pero ang totoo ‘pag uwi mo, kung ano-ano sinasabi mo sa fans mo like mabaho, maasim, nakakairita, at gusto mong sabunutan.”

Reaksyon ni Queen Money laban sa mga paratang ni Joana laban sa kanya

Samantala, hindi nga pinalagpas ni Queen Money ang mga pahayag ni Joana laban sa kanya.

Sa kanyang video, hindi napigilan ni Queen Money na umiyak dahil sa mga masasakit at kasinungalingan umanong sinabi ni Joana laban sa kanya.

Mariin din niyang pinabulaanan ang mga sinabi ni Joana tungkol sa kanyang ugali sa likod ng kamera.

Kasunod nito, hindi napigilan ni Queen Money na sumbatan si Joana at iba pa nitong mga kasamahan na gusto siyang siraan at patalsikin sa social media.

Ayon pa kay Queen Money, hindi siya tinuring na pamilya ni Joana at ng mga kasamahan nito kundi gusto lamang siyang “gatasan” o “perahan” ng mga ito.

Ani Queen Money, “Kung usapang pamilya, hindi yan yung tinuring niyo sa akin, gusto niyo akong gatasan nang gatasan. 10 years ito ha, 10 years akong naging masama sayo? Hindi ko matanggap na yung mga taong tinulungan ko magiging ganito ang ending.

“Alam ko kung sinong nasa likod niyo. Alam ko lahat ng pinaalis ko sa bahay, lahat ng nawala sa bahay, at lahat ng hindi ko tinanggap, kayo-kayo ang magkakasama ngayon. At meron kayong mga plano para pabagsakin ako, dahil gusto niyo mawala ako sa social media diba?

“Dahil gusto ninyo ma-bash ako nang ma-bash ng tao. Ito na nakuha na ninyo gusto niyo. Pero sana yung mga kwento niyo, yung totoo. Bakit kayo magco-compose ng 30 minutes, 30 minutes para siraan ako?”

Iginiit din ni Queen Money na kung totoong minahal siya ni Joana bilang best friend nito sa loob ng 10 years ay hindi siya sisiraan nito, lalo na sa social media.

Dagdag pa ni Queen Money, marami siyang alam na baho at sikreto tungkol kay Joana na ikakasira nito pero hindi raw niya gagawin ang ginawa nito sa kanya.

Mensahe niya kay Joana, “Kung totoong minahal mo ako, hindi mo gagawin yun sa akin. Dahil ako andami-dami kong pwedeng ibulgar tungkol sayo, hindi ko gagawin yun sayo.

“Hindi ko gagamitin yung mga sikreto mo against you, hindi ko gagamitin yung mga sikreto niyo against all of you. Hindi rin ako gagawa ng kwento against all of you.

“Andami-dami kong alam against all of you na hindi ko sinasabi. Kayo ultimo kasinungalingan sinasabi niyo para lang ma-down ako nang ma-down.”

Sa huli, sinabi ni Queen Money na magpapakatatag siya sa kabila ng ginawa ni Joana, dahil marami pa ang umaasa at nagmamahal sa kanya nang totoo.