Piolo Pascual, papasok sa Batang Quiapo ni Coco Martin?

Piolo Pascual, papasok sa Batang Quiapo ni Coco Martin?
PHOTO : Piolo Pascual and Coco Martin

Naging usap-usapan ng mga netizens kung si Piolo Pascual na nga ba ang bagong karakter na dapat nilang abangan sa serye ni Coco Martin na Batang Quiapo.

Nagsimula ang mga haka-haka ng madlang pipol na magiging guest si Piolo sa Batang Quiapo matapos nagbahagi ang Dreamscape Entertainment ng larawan nina Piolo at Coco na magkasama.

Ani sa caption ng Dreamscape : “The Ultimate Leading Man and The Primetime King in one frame! Abangan!.”

Ibang karakter sa Batang Quiapo, liligwakin na

Kung ating babalikan, maugong na gumawa ng ingay sa social media ang aktres na si Ivana Alawi bilang “Bubbles” sa serye ng Batang Quiapo ni Coco Martin.

Matapos lumabas ang mga balitang liligwakin na ito sa serye dahil sa pagiging feeling “Diva” umano nito.

Ivana Alawi, masyadong pa "DIVA", liligwakin na sa Batang Quiapo
PHOTO : Ivana Alawi

May isang cast kasi sa serye ang naging source ng Bandera na nagsabing si Bubbles [Ivana Alawi] ang napili nilang ligwakin.

Ayon pa sa Bandera : “Personal Assistant [PA] ng Batang Quiapo ang nakausap namin at nabanggit niyang, “Si Bubbles po, tatanggalin na raw. nakapag last taping na si Bubbles.

“lagi po kasing hindi puwede si Bubbles pag may taping, may lakad tapos pag pinakikiusapan siyang mag extend ng oras, ayaw niya, umaalis na agad saka po hindi masyado nakikipag-usap.” dagdag pa.

Pag tinatawag na diumano para mag-take si Ivana ay nakasimangot, tsaka lang kunwari mamansin kapag magka-eksena na sila ng kung sinuman sa casts.

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon ang aktres na si Ivana tungkol sa pagka-ligwak nito sa serye na Batang Quiapo ni Coco.

Piolo Pascual and Coco Martin collaboration

Para sa mga fans naman nina Piolo at Coco, may ibig sabihin ang naging post ng Dreamscape Entertainment sa social media at ito ang inaasam-asam nilang collaboration ng dalawang aktor.

Marami sa mga netizens ang nagsasabing kung hindi papasok si Piolo sa Batang Quiapo ay baka naman raw si Coco ang magkakaroon ng cameo role sa pinagbi-bidahan ni Piolo na serye na ang “Pamilya Sagrado”.