Papi Galang, nanganak na sa pamamagitan ng water birth

Papi Galang, nanganak na sa pamamagitan ng water birth
PHOTO : Papi Galang, nanganak via water birth

Masayang-masaya ang buong miyembro ng Toro family dahil nanganak na si Papi Galang sa kaniyang pangatlong anak sa pamamagitan ng water birth.

Sa latest episode ng reality show nina Toni Fowler at ng Toro Family na may pamagat na “Motherhood”, dito na nila ipinakita ang panganganak ni Papi Galang.

Mismong sa bahay nalang nila tuluyang napa-anak si Papi dahil para sa kaniya ayaw na nitong maranasan ang nangyari noong ipinanganak niya ang pangalawa niyang anak.

Papi Galang, nanganak na sa pamamagitan ng water birth
PHOTO : Papi Galang, nanganak via water birth

Noong mag-silang si Papi sa kaniyang pangalawa, kinailangan niya pa umanong pigilan ang kaniyang panganganak habang nasa biyahe sila papuntang ospital.

Ano ang water birth?

Ang panganganak via water birth ay isa sa makabagong paraan na kung saan iluluwal ng ina ang kaniyang baby sa loob ng isang tub na punong-puno ng maligamgam na tubig.

Matapos manganak si Papi, tuwang-tuwa naman ang buong Toro family dahil sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Si Papi ay nagsilang ng isang malusog na baby girl, natupad rin ang hiling ng panganay ng vlogger na si Hapi dahil gustong-gusto nito na magkaroon ng isang kapatid na babae.

Papi Galang vs Mikay

Kung ating babalikan, bago paman manganak si Papi ay nagkaroon sila ng gusot ng isa sa miyembro ng Toro family na si Mikay.

Nag-umpisa ito matapos hindi magustuhan ni Papi ang pangingi-alam ni Mikay sa away nila ng kaniyang kapatid na si Paye Galang.

Ayon pa kay Papi, masyado umanong mahilig magbigay ng “unsolicited advice” si Mikay kahit wala naman itong kapatid.

Aniya, “Aba! Ang lakas ng walang kapatid. Ang lakas mang-unsolicited advice. Puro kaplastikan lang naman.

Pinagsabihan naman ni Mikay si Papi na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo at hindi lang siya ang may problema.

Papi Galang, biglang sinampal si Mikay

Samantala, halatang naiinis na si Papi dahil sa pagsali ni Mikay sa away nila ni Paye.

Ani Papi : “Sumasagot ka pero yung sagot mo parang ayaw mo akong kausap. Para akong nag-aaksaya ng oras dito ako na ngang uma-approach sa inyo ganyan pa. Andami pang sinasabi nitong isa.”

“Umalis ka na, Papi. Minsan ka na lang nandito, ganyan ka pa.” sagot ni Mikay.

Ngunit hindi inaasahan ni Mikay na bago umalis si Papi ay bibigyan siya nito ng isang malutong na sampal.

Hindi na nakaganti pa si Mikay kay Papi dahil agad itong nakaalis at bukod dito, hindi rin makaganti si Mikay kay Papi dahil buntis ito.

Pero ayon kay Mikay, kung hindi lang umano buntis si Papi ay nagulpi na niya ito.

Ani Mikay : “Tanga ka. Pasalamat ka buntis. Magpasalamat ka buntis ka. Tanga ka. Kung hindi ka buntis, nagulpi na kita. Bobo. tang*na talaga magpasalamat ka na buntis ka.”