Pagtulong ni Rosmar Tan kay Jiro Manio, inokray ng netizen

Pagtulong ni Rosmar Tan kay Jiro Manio, inokray ng netizen
PHOTO : Rosmar Tan and Jiro Manio

Nabahiran ng negatibo mula sa isang netizen ang pagtulong ng content creator na si Rosmar Tan sa dating child star actor na si Jiro Manio.

Kung ating babalikan, naging biktima si Rosmar ng isang Facebook page na nagpapanggap bilang si Jiro.

Nagbigay agad ng babala ang talent manager na si Ogie Diaz sa influencer na si Rosmar tungkol sa kausap nito online na nagpakilalang si Jiro.

Sa post na ibinahagi ng content creator, makikita sa mga screenshots ang pag-reach out ng fake Jiro kay Rosmar, nagbabakasakali umano ito kung may trabaho bang maibibigay sa kaniya si Tan.

Ogie Diaz, may babala kay Rosmar Tan tungkol kay Jiro Manio
PHOTO : Ogie Diaz, Jiro Manio and Rosmar Tan

Ayon kay Ogie, hindi totoo na si Jiro umano ang nakikipag-usap kay Rosmar sa social media, ang humihingi umano ng tulong kay Tan ay taong nasa likod ng isang fake page.

Diin pa ni Ogie na kahit siya rin umano ay nakatanggap ng mga mensahe mula sa fake page at nagpapanggap ito bilang si Jiro.

Personal na rin na nakausap ni Ogie ang totoong Jiro tungkol sa paghingi nito ng tulong kay Tan pero wala umanong kaalam-alam ang tunay na Jiro.

Rosmar Tan at Jiro Manio, nagkita sa personal

Maraming netizens ang natuwa matapos magkita sa personal si Rosmar at Jiro sa pamamagitan ng online show ni Julius Babao at this time, totoong Jiro na ang kausap ni Tan.

Nabigyan rin ng pagkakataon ang dalawa na magkalinawan tungkol sa isyu ng paghingi ng tulong ng isang Facebook page na nagpanggap bilang si Jiro kay Rosmar.

At sa kanilang matamis na pagkikita, inabutan ni Tan si Manio ng P10,000 cash at nangako rin ang influencer na bibigyan nito ang dating child star ng “Rosmar products” worth P50,000.

Marami sa netizens ang natuwa sa tulong na ibinigay ni Tan para kay Manio, ngunit may iilan sa mga netizens ang hindi parin kumbinsido sa pagtulong ni Tan kay Manio.

Para sa isang netizen baka umano gamitin lamang ni Jiro ang cash na tulong ni Tan para sa dati nitong bisyo at wala ring kwenta ang ibinibigay ng mga taong naniniwala sa kaniyang pagbabagong buhay.

Ani ng netizen : “wow daming pambili ng shabu”

Pagtulong ni Rosmar Tan kay Jiro Manio, inokray ng netizen
PHOTO : Netizen’s comment on Rosmar Tan and Jiro Manio

Samantala, maraming netizens parin ang naniniwalang tunay na nagbago na si Jiro at binigyan nila ng advice si Tan na gabayan ang dating child star para hindi na ito bumalik sa dati nitong bisyo.

Ani ng isang netizen : “Guide mo siya, kailangan lang niya Guidance. bata pa kasi siya noon.”