Hindi pa na-aanunsyo na si Fyang ang panalo sa PBB Big Night ay nakarating na kay Ogie Diaz na si Kolette pala ang magiging Big Winner.
Ngunit bigla umanong nagbago ang resulta at si Fyang na ang itinanghal na Big Winner.
Gulat na gulat umano ang talent manager dahil last minute ay biglang bumulusok pataas ang boto para kay Sofia Smith o Fyang.
Kaya ito ang dahilan kaya si Fyang ang itinanghal bilang Big Winner ng PBB Gen11.
Ani Ogie Diaz : “Alam mo may nagbalita sa akin dapat daw sana ang mananalo ay si Kolette. Pero mga last few minutes biglang…(senyas pataas) gumanun daw yung boto para kay Fyang,”
Management ni Fyang sa labas, gumastos
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na isa ang management ni Fyang ang gumastos ng malaki para mahabol ang botohan sa huling minuto.
Dagdag ni Ogie : “Sinasabi nila na mayaman si Fyang. Talagang sumugal, pati yung management ni Fyang, talagang nag-invest din. Ay syempre, ganun talaga… Popularity contest yan. Hindi naman sa pag-ano, pero artistahin ‘yung Fyang. Okay yan!”