Ogie Diaz, may babala kay Rosmar Tan tungkol kay Jiro Manio

Ogie Diaz, may babala kay Rosmar Tan tungkol kay Jiro Manio
PHOTO : Ogie Diaz, Jiro Manio and Rosmar Tan

May babala ang talent manager na si Ogie Diaz sa influencer na si Rosmar Tan tungkol sa kausap nito online na nagpakilalang si Jiro Manio.

Kung ating babalikan, nag-viral sa social media ang post ng content creator na si Rosmar Tan tungkol sa palitan nila ng mensahe ng dating child star na si Jiro Manio sa social media.

Makikita sa mga ibinahaging screenshots ang pag-reach out ni Jiro kay Rosmar, nagbabakasakali umano ang child star kung may trabaho bang maibibigay si Rosmar sa kaniya.

Rosmar Tan, kinuhang waiter si Jiro Manio sa kaniyang paresan
PHOTO : Rosmar Tan and Jiro Manio

“Mam baka may trabaho ka para sa akin…para lang may igastos lang ako sa anak ko at magpapasukan na po kasi.” tanong ni Jiro.

Agad na sagot naman ni Rosmar : “Gusto mo service crew sa Calauan Laguna.”

Walang pagda-dalawang isip na tinanggap agad ni Jiro ang trabaho na ibinigay sa kaniya ni Rosmar.

Ani Jiro : “Sige po mam pasok po ako…”

Ogie Diaz, may babala kay Rosmar Tan tungkol kay Jiro Manio

Matapos mag-viral sa social media ang ibinahaging usapan nina Rosmar at Jiro, nagbigay agad ng babala ang talent manager na si Ogie Diaz kay Rosmar.

Ayon kay Ogie, hindi totoong si Jiro umano ang nakikipag-usap kay Rosmar sa social media, ang humihingi umano ng tulong sa influencer ay isang fake page.

Ayon pa kay Ogie na kahit siya umano ay pinadalhan ng mensahe ng pekeng page at nagpapanggap umano ito bilang si Jiro.

Personal na rin na naitanong ni Ogie ang totoong Jiro tungkol sa paghingi nito ng tulong kay Rosmar pero wala umanong kaalam-alam ang tunay na Jiro.

Ani Ogie : “Rosmar, fake account po yung kausap nyong Jiro Manio. Kung sino sino po ang tsina-chat niyan. Baka mabudol ka.

“Kausap ko yung totoo, and through us, pakisabi na hindi raw siya yon. Okay ang tumulong, pero wag sa nagpapanggap na nangangailangan,” dagdag ng talent manager.