New boyfriend umano ni Bea Alonzo, ex ni Kylie Verzosa?

New boyfriend umano ni Bea Alonzo, ex ni Kylie Verzosa?
PHOTO : Kylie Verzosa and Bea Alonzo

How true kaya na di umano’y ang new boyfriend ngayon ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ay ang ex-boyfriend ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa?

Trending topic sa social media ang umano’y bagong pag-ibig ni Bea Alonzo.

Ito’y matapos isapubliko ng talent manager na si Ogie Diaz ang litrato niya na nasa airport kasama raw ang kanyang rumored new boyfriend na isang foreigner.

Kahit na itinanggi na ni Bea na in a relationship siya ngayon, hindi pa rin nagpaawat si Ogie at ipinakita ang litrato nito na nasa airport kasama umano ang bagong boyfriend nito.

Ayon kay Ogie, ipinadala lang ng kanyang ‘source’, na hindi niya pinangalanan,  ang litrato ni Bea na nasa airport kung saan makikita rin ang isang matangkad na lalaki na halatang hindi Pinoy o foreigner.

New boyfriend ni Bea Alonzo, ibinulgar ni Ogie Diaz
PHOTO : Bea Alonzo and rumored boyfriend

Tsika pa raw ng source sa kanya, nakita niyang sakay ng Cathay Pacific si Bea kasama ang umano’y rumored boyfriend nito.

Ani Ogie, “Kung maalala n’yo na si Bea Alonzo ay idininay niya na may boyfriend na base sa panayam sa kanya na siya ay single at hindi siya in love […] Pero siyempre maiintindihan naman natin si Bea kung saan siya nanggagaling, ‘no?

“Pero ‘yun nga, e, may nakarating lang naman sa akin. ’Yung isa kong source nagsasabing, ‘ah wala ba siyang dyowa ngayon? Single ba siya?’ Tinatanong ako, hindi ko naman masagot!

“Pero kasi sinasabi sa akin ng source ko, ‘sino ‘yung kasama ni Bea sa airport na lulan ng Cathay Pacific, siguro mga a week ago?’ ‘Yun nga, may kasama nga raw na foreigner si Bea pero magkahiwalay daw sila.”

Bagong boyfriend ni Bea Alonzo, ex ni Kylie Verzosa?

Ngunit marami ang naloka nang sabihin ni Ogie na ang lalaking kasama ni Bea ay di umano’y ex-boyfriend ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa.

Tanong pa raw ng source, “‘Yan ba ang ibinalita mo, Ogie?”

Sagot naman daw ni Ogie, “Sabi ko hindi ko alam kasi hindi ko naman siya talaga kilala pero may nagsabi naman sa amin na ex-boyfriend daw ito ni Kylie Verzosa. Kaya ang siste nga niya ay wala akong maisagot sa nagtatanong sa akin (dahil) hindi ko alam.”

Kaya sa huli, hinikayat ni Ogie si Bea na linawin kung ano ang relasyon niya sa lalaking foreigner na kasama niya sa airport.

Ani Ogie, “Mas magandang si Bea na lang ang sumagot niyan kung ano ‘yung kanyang rason bakit hiwalay sila sa pagpasok at paglabas ng eroplano pero sabi ng source ko, sa aisle ng eroplano ay magkatabi sila na parehong gilid, ‘yun ‘yung nasa window na solo-solo lang daw.”

“Yan ay nakakarating lang sa akin pero mas maganda kung si Bea ang sumagot noon at kung magkaibigan lang sila, e, di at least nagkakaroon ng panahon si Bea sa kanyang sarili,” dagdag ni Ogie.