Mikay, nakatikim ng sampal kay Papi Galang dahil kay Paye

Mikay, nakatikim ng sampal kay Papi Galang dahil kay Paye
PHOTO : Papi Galang, Mikay and Paye Galang

Sa huling bahagi ng latest episode ng reality show ng Toro family, mapapanood na nagkaroon nang mainit na sagutan sina Papi Galang at Mikay dahil kay Paye.

Labis na ikinagulat ng marami ang ginawa ni Papi Galang kay Mikay.

Gusto kasi ni Papi na mag-bonding sila ni Paye dahil minsan na lang silang magkita na magkapatid.

Ngunit hindi nagustuhan ni Papi ang ekspresyon ng mukha ni Paye at ang paraan nito ng pagsagot sa kanya na tila hindi siya nito gustong makita o makusap.

Ani Papi kay Paye, “Alam mo ang tamlay-tamlay mo kanina pa kita napapansin. Ang aga-aga kong pumunta dito para makapag-bonding pero para akong nakikipag-usap sa hangin. Ang ano mo? Ako na nga nag-aadjust, manganganak na lang nga ako dito.”

Patuloy pa niya, “Nakakabastos na. Paulit-ulit na lang. Ganito pa rin yung eksena ni Paye kapag iba-bonding mo siya. Parang ayaw ka niyang kausap? Alam mo yun. Masarap pang makipag-usap sa hangin na lang.”

Inamin naman ni Paye na talagang hindi na niya gustong magkwento kay Papi tungkol sa kanyang pinagdadaanan.

Ani Paye, “Wala na akong ganang magkwento pa kay Ate ng mga pinagdadaanan ko ngayon. Ayoko ko na lang din mag-explain ko ano bang nararamdaman ko.”

Pero hindi maintindihan ni Papi si Paye kaya naman patuloy pa rin siya sa pangangaral dito.

Ani Papi, “Manganganak na nga ako tapos ako pa rin yung mag-e-effort para lang makapagbonding kami.”

Kaya naman to the rescue si Mikay kay Paye at ipinagtanggol niya ito mula kay Papi.

Papi Galang vs Mikay

Ani Mikay, “Nakisali na ako kasi ang dami na namang sinasabi ni Papi ng hindi man lang siya nagtatanong kung kumusta na ba yung kapatid niya.”

Pinayuhan pa ni Mikay si Papi na huwag agad tumalak at magtanong muna kung ano ang problema ni Paye.

Aniya, “Papi, minsan ka na lang pumunta dito. Hindi na nga kayo nakakapag-bonding. Minsan ka na lang pumunta, tatalakan mo pa. Hindi mo man lang tanungin kung ok ba siya, kung ano ba ang problema kung bakit ganyan siya sumagot.”

Sagot ni Papi, “Eh, kaya nga ako nandito.”

Sabat naman ni Mikay, “Kaya nga hindi mo muna tinatanong, nakataas ka agad ng boses.”

Hindi nga nagustuhan ni Papi ang pangingialam ni Mikay sa away nilang magkapatid.

Sa puntong ito ay nagkasagutan na sina Papi at Mikay.

Ani Papi, “Eh kanina pa nga kasi ako nakikipag-usap parang wala akong kausap tapos sumasabat ka pa ng ganyan.”

Ayon pa kay Papi, masyado umanong mahilig magbigay ng “unsolicited advice” si Mikay kahit wala naman itong kapatid.

Aniya, “Aba! Ang lakas ng walang kapatid. Ang lakas mang-unsolicited advice. Puro kaplastikan lang naman.

Pinagsabihan naman ni Mikay si Papi na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo at hindi lang siya ang may problema.

Ani Mikay, “Eh bakit hindi? Eh problemado yung kapatid mo hindi mo man lang intindihin. Gusto mo palagi ikaw yung intindihin. Anong gusto mong mangyari? Porket ganyan sumagot bastos agad? Hindi mo muna tanungin. Sumasagot naman eh. Anong gagawin mo? Hindi ka na updated. Nabubu*ng na yung kapatid mo. Hindi mo alam ang nangyayari.”

“Try mo din mo muna kasing magtanong, Papi.  Hindi iikot ang mundo sayo na ikaw lang may problema, ikaw lang ang ganito, ganyan. Magtanong ka rin muna. Tanungin mo anong problema niya. Hindi sayo iikot ang mundo. Hindi lang ikaw ang may problema dito,” dagdag niya.

Sa interview portion, sinabi rin ni Mikay na hindi ginagampanan nang maayos ni Papi ang pagiging ate niya kay Paye.

Aniya, “Lagi niyang sinasabi na kapatid niya si Paye pero hindi naman siya nagpapaka-Ate. Yun ang laging reklamo sa kanya ni Paye. Sino bang sumasalo ng mga trabaho niya? Ako diba? Ni wala na nga siyang alam kung anong nangyayari sa kapatid niya.”

Samantala, halatang naiinis na si Papi dahil sa pagsali ni Mikay sa away nila ni Paye.

Aniya, “Sumasagot ka pero yung sagot mo parang ayaw mo akong kausap. Para akong nag-aaksaya ng oras dito ako na ngang uma-approach sa inyo ganyan pa. Andami pang sinasabi nitong isa.”

“Anong gusto mo? Hayaan ko lang ganyan-gayanin mo ang kapatid mo na may pinagdadaanan,” sagot naman ni Mikay.

Kaya naman sa huli ay tila sumabog na si Papi at tinawag niyang “ulul” si Mikay.

Aniya, “Tigilan mo ako, ulul ka!”

Sa interview portion, iginiit ni Papi na plastik at naiinggit umano sa kanya si Mikay.

Aniya, “Tsaka na ako maniniwala kapag tugma na yung mga binubuyo niya (Mikay) sa kapatid ko sa mga sinasabi niya dito sa reality show. Masyadong doble-kara. Hindi mo lang kayang aminin na baka inggit ka lang sa akin at sa kung anong meron ako. Ang sakit no? Kahit anong trying hard mo, you can never be me.”

Sa huli ay pilit na pinapaalis ni Mikay si Papi.

Aniya, “Umalis ka na, Papi. Minsan ka na lang nandito, ganyan ka pa.”

Sagot naman ni Papi, “Anong pinuputok ng butchi nitong p*t*ng*na nitong.”

Dagdag naman ni Mikay, “Papi, umuwi ka na. P*t*ng*na ka. Napipikon na ako sayo.”

Papi Galang, biglang sinampal si Mikay

Ngunit hindi inaasahan ni Mikay na bago umalis si Papi ay bibigyan siya nito ng isang malutong na sampal.

Mikay, nakatikim ng sampal kay Papi Galang dahil kay Paye
PHOTO : Papi Galang, Mikay and Paye Galang

Hindi na nakaganti pa si Mikay kay Papi dahil agad itong nakaalis.

Bukod dito, hindi rin makaganti si Mikay kay Papi dahil buntis ito.

Pero ayon kay Mikay, kung hindi lang umano buntis si Papi ay nagulpi na niya ito.

Aniya, “Tanga ka. Pasalamat ka buntis. Magpasalamat ka buntis ka. Tanga ka. Kung hindi ka buntis, nagulpi na kita. Bobo. tang*na talaga magpasalamat ka na buntis ka.”