Melai Cantiveros, inayawan ang alok ni Vicki Belo na retoke

Melai Cantiveros, inayawan ang alok ni Vicki Belo na retoke
PHOTO : Melai Cantiveros

Inamin ng komedyanteng si Melai Cantiveros na inalok siya ng celebrity doctor na si Vicki Belo para sa isang nose enhancement.

Hindi lingid sa kalaaman ng marami na ang pagpapa-ganda o mga artistang sumasailalim sa mga face surgery enhancements ay karaniwang kalakaran na sa mundo ng showbiz.

Sa pagbabahagi ni Melai sa isang media conference sa bago niyang talk show na “Kuan-On-One” noong June 25, dito na niya inamin na may satisfaction siya sa kaniyang mukha at sa kaniyang ngipin.

Ayon pa sa kaniya na takot na takot daw siya sa mga “turok” o injection na gagawin sa kaniyang mukha.

Melai Cantiveros, inayawan ang alok ni Vicki Belo na retoke
PHOTO : Melai Cantiveros

Melai Cantiveros inayawan si Vicki Belo

Ayon sa host na si Melai, siya mismo ang tumanggi kay Dra. Vicki Belo na gawin ang kaniyang ilong dahil para sa kaniya ay kontento na siya sa kaniyang itsura.

“Ako talaga, inofferan na ako ni Dra. Vicki Belo na ‘yong mukha ko raw maging Kristine Hermosa,” panimula ni Melai.

“Ilong daw—magkuwan daw ako ng ilong, sobrang takot ako sa injection. Sobrang takot ako sa mga ganiyan, na baka kung anong ilagay sa ilong ko. Ang pinakakinatatakot ko baka hindi ako makahinga.” dagdag pa ng komedyante.

Para kay Melai, nagagandahan naman daw siya sa kaniyang sarili kaya sa palagay niya ay hindi na niya kailangan na sumailalim pa sa nose surgery at face enhancements.

“Okay na ako sa mukha ko eh. No’ng nakita ko pa lang ‘yong sarili ko sa salamin no’ng bata pa ako, okay na ako,” ani Melai.

Mas pinipili pa raw ni Melai sa ngayon ang mga facial at skin treatments para sa kaniyang problema sa balat gaya na lamag sa kaniyang mga pimples.

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa komedyante na wag nang magpa-ayos ng kaniyang ilong at ngipin.

Dahil para sa mga fans ni Melai, maganda na ang komedyante at hindi na kailangan pa na magpagawa ng kahit ano sa kaniyang mukha.

Ani ng netizen : “Mas maganda ang natural na ganda ng tulad sayo at jan ka minahal ng mga PANS mo at jan na LOVE at FIRST SIGHT ang ASAWA mo sayo na c JASON FRANCISCO kaya wag kana mag parituki aanhin mo ANG ganda kung puro pang lalait naman gagawin sayo ng mga BASHERS mo.”