Muling napag-usapan nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual ang kanilang nakaraan sa pamamagitan ng Youtube channel ni Toni Gonzaga na Toni Talks.
Sa panayam na ito ni Piolo sa Toni Talks, dito nila napag-usapan ang tungkol sa lovelife, lalo na ang panliligaw ng aktor kay Toni noon at ang mga qualities na hinahanap ni Papa P. sa isang babae.
Para kay Piolo, hindi na niya alam ang salitang ‘Lovelife’ dahil 13 years na siyang single, aniya : “Ang tagal na, eh. ‘Di ko na alam ‘yung lovelife, eh”.
Piolo Pascual : “Lovelife ko ang trabaho ko.”
Gulat na gulat naman si Toni matapos niyang malaman na 13 years na palang single si Piolo, kaya naman agad na tinanong ni Toni si Papa P. kung takot ito sa commitment.
Ani Toni : “So, ayaw mo na ng full-on commitment?”
Sagot ni Papa P. : “Not for now.”
Natatawang tanong ni Toni : “not for now? 21 years old ka ba?”
Sagot ni Papa P. : “Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work.
“I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because…eh, nasanay na, eh,” pahayag ng aktor.
Piolo Pascual, binasted ni Toni Gonzaga
Naitanong naman ni Toni kay Piolo kung ano nga ba talaga ang mga qualities na hinahanap ng aktor sa isang babae.
Sagot ni Papa P. “Christian muna. Family-oriented, siyempre, dapat ‘yung mabait. Hindi full of herself. Hindi ‘yung ‘me, myself, and I.’”
Naitanong rin ni Toni kay Piolo kung ano ang hinahanap ng aktor pagdating sa looks, sinagot naman ito ni Papa P. na kagaya sa looks ni Toni.
Naibahagi rin ni Toni kay Papa P. na sobrang nababaitan ang kanyang ama na si Bonoy sa aktor.
Ani Toni : “Bait na bait sa’yo ang Daddy ko.. sabi ko ahh si Piolo hindi siya supladong aktor”.
Tanong ni Papa P. kay Toni : “Tapos hindi mo ako sinagot?”
Bigkas ni Toni : “Ewan ko sayo..para kang tanga..”
Sa kasalukuyan ay pumalo na sa 1.4M views ang naturang panayam ni Toni Gonzaga kay Piolo Pascual sa ‘Toni Talks'”.