Mark Andrew Yulo, binulgar ang tunay na ugali ni Chloe San Jose

Mark Andrew Yulo, binulgar ang tunay na ugali ni Chloe San Jose
PHOTO : Mark Andrew Yulo and Chloe San Jose

Ibinulgar ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew sa social media ang tunay na ugali ni Chloe San Jose sa pamamagitan ng isang shared post.

Sa social media account ni Andrew, makikita ang isang shared post ng isang Facebook user na may pangalang Gerald Fajardo.

Sa post ni Gerald, kalakip ang mga larawan ng mga private convos na nag-mula sa isang group chat at dito makikita o mababasa kung paano pag-tawanan at i-bully ang ina ni Carlos na si Angelica Yulo ni Chloe San Jose.

Bahagi ng post ni Gerald : “Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? [Chloe] Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba… Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.

“Bakit ka nagbenta ng MACBOOK, na worth 50k, kay caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman alam gamitin. bakit ka pala nagapply kay maam cynthia? – well in fact di ka naman nakapasa. Sumahin mo yung mga subscriber’s na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY …

“Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan? Kasi yung sinasabi mong gc [Chloe] magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc.” ani Gerald.

Mark Andrew Yulo shared posts

Sa unang screenshot makikita ang pambubully ni Chloe sa ina ni Carlos na si Angelica, kalakip ang mga larawan ng panghahambing sa dalawang isda at sinundan ito nang pagha-hamon ni Chloe kay Angelica.

Mark Andrew Yulo, binulgar ang tunay na ugali ni Chloe San Jose
PHOTO : Mark Andrew Yulo shared post

Sa susunod na screenshots ay mababasa kung paano tinawag na “duwag” at sabay sabay na pinag-tawanan nina Chloe at iba pang miyembro si Angelica sa kanilang group chat.

Mark Andrew Yulo, binulgar ang tunay na ugali ni Chloe San Jose
PHOTO : Mark Andrew Yulo shared post

Matatandaang nakauwi na sa bansa si Carlos mula Paris, France kung saan sinalubong siya ng isang engrandeng Heroes welcome noong Miyerkules, August 14.

Ngunit kapansin-pansin na hindi kasama sa mga sumalubong kay Carlos ang kanyang pamilya.

Wala rin ang kanyang pamilya sa ilang welcome party para sa kanya, gaya na lamang sa Malacañang Palace kung saan sinalubong siya ni Pangulong Bongbong Marcos.