Mariel Pamintuan hindi inimbitahan sa GMA Gala 2024, alamin

Mariel Pamintuan hindi inimbitahan sa GMA Gala 2024, alamin
PHOTO : Mariel Pamintuan / GMA GALA

Nagsalita na ang aktres na si Mariel Pamintuan kung bakit wala siya sa katatapos lamang na GMA Gala 2024 ng Kapuso Network.

Marami kasi ang nag-abang sa “food review” ni Mariel sa GMA Gala, lalo pa’t bongga ang event na ginanap sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong July 20. 

Ngunit napansin nga ng maraming netizens na wala si Mariel sa mga artista na rumampa sa red carpet.

Mariel Pamintuan hindi inimbitahan sa GMA Gala 2024, alamin
PHOTO : Mariel Pamintuan / GMA GALA

Kaya inusisa siya ng mga netizen kung bakit wala siya sa GMA Gala.

Ang pagkakaalam kasi ng marami ay artista ng GMA si Mariel, kung saan huli siyang napanood sa action series na “Black Rider”.

Mariel Pamintuan, hindi invited sa GMA GALA 2024

Matapos bumaha ng ilang katanungan kung bakit wala siya sa GMA Gala, binasag ni Mariel ang kanyang katahimikan.

Sa kanyang Facebook post noong July 23, inamin ni Mariel na hindi siya inimbitahan sa GMA Gala dahil natapos na ang kanyang kontrata sa GMA at ngayon ay isa na siyang freelance artist.

Ayon kay Mariel, “Hallur Krazy Pipol, it has come to my attention that some of you… ang hirap pala tagalugin ko na nga lang! May mga nalungkot dahil di ako na-imbita sa GMA Gala. Natapos na po ang aking 2 yr. contract sa kanila at ngayon ay isa na po akong freelancer.”

Sa kabila ng hindi pag-imbita sa kanya ng GMA, iginiit ni Mariel na malaki ang kanyang pasasalamat sa GMA. 

Aniya, “Ganun pa man, gusto ko pong malaman niyo na malaki ang pasasalamat ko sa GMA na binigyan nila ako ng mga proyektong nahubog ang kakayahan ko bilang artista at nakatulong sa aming pinansyal. Yun po ay malaking bagay para sa akin kaya naman nanatiling masaya ang aking puso. I love Kapuso EYYYY.”

“P.S. Sayang, mukhang masarap ang food EYYYY,” dagdag pa niya.

Maraming netizens ang nalungkot at nanghinayang dahil hindi inimbitahan ng GMA si Mariel sa kanilang gala. 

Komento ng netizens:

“Sayang naman wala ka dun, isa ka sa may pinaka-magandang face and like ko the way you act.”

“Kaya pala ibang GALA ang napanood ko. Inaabangan ko pa naman ang pag food critic mo hahaha.”

“Sana na-invite ka, may mga vlogger din naman dun na walang kontrata char.”

“Sayang wala kang reviews sa food nila ngayon hehe. Love you, Mariel.”

“Ang daming nag-abang sa’yo para sa gala night. Sayang wala ka.”