Mang Inasal, rewards Carlos Yulo a lifetime supply of PM2 meal

Mang Inasal, rewards Carlos Yulo a lifetime supply of PM2 meal
PHOTO : Carlos Yulo / Mang Inasal

Maraming netizens ang napa-“sana all” dahil sa reward ng Mang Inasal kay Carlos Yulo, ito ay walang iba kundi lifetime supply ng PM2 meal nila.

Ito ang masayang balita na bumungad sa publiko matapos mag-uwi ng dalawang gintong medalya si Carlos sa 2024 Paris Olympics.

Vikings, nag-offer ng habambuhay na free buffet kay Carlos Yulo
PHOTO : Carlos Yulo / Paris Olympics 2024

Mang Inasal, binigyan ng lifetime supply ng PM2 meal si Carlos Yulo

Sa isang social media post nitong Lunes ng hatinggabi, ipinahayag ng Mang Inasal, na pagmamay-ari ng Jollibee group, ang kanilang espesyal na alok kay Yulo.

“UNLI-PM2 SA ATING NAKA-GIN2!” ayon sa post ng Mang Inasal matapos masungkit ni Carlos ang kanyang unang gintong medalya noong Sabado, August 3.

Kaya’t tunay na espesyal ang handog na ito ng Mang Inasal para kay Carlos Yulo.

Vikings Group, nagbigay din ng Lifetime Buffet sa lahat ng kanilang restaurants

Talagang hindi na magugutom si Carlos dahil bukod sa Mang Inasal, nagbigay din ang Vikings Group of Companies ng lifetime free buffet sa kanya.

Vikings, nag-offer ng habambuhay na free buffet kay Carlos Yulo
PHOTO : Carlo Yulo and Vikings

Hindi lang sa Vikings Luxury Buffet, kundi pati na rin sa iba pang buffet restaurants sa ilalim ng kanilang kumpanya tulad ng Niu by Vikings, Four Seasons Buffet and Hotpot, Tongyang Plus, The Alley by Vikings, at A1 Premium Shabu-shabu.

“To show how proud we are, we’re offering you a lifetime FREE buffet in ALL Vikings Group buffet brands. Looking forward to celebrating with you!” ayon sa kanilang pahayag sa Facebook.

Megaworld Corp., in-upgrade ang reward nila para kay Carlos Yulo

Hindi rin nagpaawat ang iba pang mga kumpanya at indibidwal sa pagbibigay ng suporta at insentibo kay Carlos, gaya ng real-estate company na Megaworld Corporation.

Mula kasi sa ₱24M-worth na condo unit, itinaas nila sa ₱32M ang reward kay Carlos na isang fully-furnished three-bedrooms condo unit sa McKinley Hill.

Bukod dito,  magbibigay din sila ng ₱3M cash prize, kaya aabot sa ₱35M ang makukuhang reward ni Carlos sa kanyang pag-uwi sa bansa.

Nakasaad sa kanilang Facebook post, “For his historic milestone of winning two gold medals during the Philippines’ 100th year of participating in the Olympic Games and in celebration of our 35th anniversary, Carlos Yulo will now receive an upgraded gift headlined by a fully furnished THREE-BEDROOM McKinley Hill condo and cash bonus totaling P35-million!”