Lalaking kamukha ni Coco Martin, viral sa social media

Lalaking kamukha ni Coco Martin, viral sa social media
PHOTO : Look-alike of Coco Martin

Viral at naging usap-usapan sa social media ang lalaking taga Argao, Cebu dahil hawig na hawig ito sa itsura ng aktor na si Coco Martin.

Maraming netizens ang nakapansin sa sobrang pagkakahawig nito sa sikat na aktor na si Coco, magmula sa galaw o kilos, lalo na sa mukha at hanggang sa boses nito.

Marami sa netizens ang nagbahagi ng kanilang mga reaksyon, karamihan ay positibo at puno ng papuri.

Video ng kamukha ni Coco Martin, edited?

Ngunit marami rin sa mga netizens ang nagsasabing edited o gawa sa AI [Artificial Intelligence] ang viral video.

Ayon sa aming pananaliksik, posibleng edited o gawa sa AI ang video at sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung legit na edited ang nasabing video.

Lalaking kamukha ni Coco Martin, viral sa social media
PHOTO : Look-alike of Coco Martin

Sa kabila ng kasiyahan na dala ng viral video, humingi ng paumanhin ang lalaki na kalook-alike ni Coco dahil nakunan ang video habang siya ay lasing.

Hindi rin niya inaasahan na magva-viral ang video pero kahit lasing siya ay kuhang-kuha parin nito ang mukha at boses ng primetime king.

May mga netizens rin ang pabirong nagsabi na si Coco Martin umano ang kumopya sa mukha ng lalaki na nasa viral video.

“Mas kamukha nya pa si coco martin kaysa kay coco martin.”

Narito ang iba pang komento ng mga netizens :

“Oo nga para silang Twinnie ni Coco. Maayusan lang yan, pwede ng maging Double ni CoCo”

“kong ppayat lng yn siya or paliit yn tiyan nya daming mag kaka gusto nyn lalo”

“Naubosan na ng diskarte c jesus christ kong bakit madlas magkamukha na ang mga tao ngyon na iniluwal sa mundo”

“Grabe oh coco Martin talaga pati pag smile . Mukha nya talaga s si Coco Martin pero galaw at part ng body nya mgkaiba lang sila sa face lan sila magkapareho talaga”

“nakita ko video nung mag dadrive sya ng motor lasing yata yun ehh kamukha po nya talaga hindi face app ang ginamit dahil hawig po talaga nya si coco martin”

“naku pinost nyo pa dito diba kayo nag iisip??? Papahanap na ni olga yan malamang…papalit kay david”