John Estrada, confirms breakup with Priscilla Meirelles

John Estrada, confirms breakup with Priscilla Meirelles
PHOTO : John Estrada and Priscilla Meirelles

Tuluyan nang tinuldukan ni John Estrada ang tunay na estado ng pagsasama nila ng kanyang asawa at dating beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Matatandaang naging sentro ng usapan sa social media ang isyung may pinagdaraanang marital problem sina John at Priscilla.

Matapos ibuking ni Priscilla sa social media na may kasamang ibang babae si John nang magbakasyon ito kamakailan sa Boracay.

John Estrada, confirms separation with Priscilla Meirelles

Sa pamamagitan ng isang Instagram story nitong Martes, July 16, binasag ni John ang kanyang katahimikan hinggil sa isyu, kung saan inamin niyang matagal na rin mula nang mapagpasiyahan nilang maghiwalay muna ni Priscilla.

Ani John, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now.”

Inihayag naman ni John na may mas malalim pang kwento sa likod ng pinagdadaanang problema nila ni Priscilla pero ayaw na umano niyang isapubliko dahil ayaw niyang masaktan ang mga mahal niya sa buhay.

Aniya, “There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love.”

Humingi si John ng privacy mula sa publiko habang pinoproseso nila ng kanyang pamilya ang pagsubok na pinagdadaanan nila ngayon. 

Aniya, “This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!”

John Estrada, denies having a relationship with ‘Lily Hallman’

Samantala, sa kanyang pahayag, sinagot din ni John ang isyu tungkol sa kasama niya sa Boracay. Matatandaang mismong si Priscilla ang nagpangalan sa kasama umano ni John na si “Lily Hallman.” Ngunit paglilinaw ni John, wala silang relasyon ni Lily o kahit sinong babae.

Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla
PHOTO : John Estrada Boracay

Ayon pa kay John, nakilala lamang niya si Lily sa Boracay. Kinailangan din umano niya ng konting pahinga mula sa trabaho kaya nagbakasyon siya sa Boracay.

Ani John, “I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather.”

Priscilla sa gitna ng marital issue nila ni John: “I had enough!”

Samantala, nauna nang nagsalita si Priscilla hinggil sa marital issue nila ni John. Sa pamamagitan ng isang Facebook Live nitong Lunes, July 15, inamin ni Priscilla na bumalik muna siya sa kanyang bansa, sa Brazil, kasama ang anak nila ni John para makapag-isip nang maayos.

Ani Priscilla, “I’m just taking this time away to spend time with my family and show my daughter around, to rewind because there’s a lot of things I’d like to think, to plan my life what’s gonna happen next because sometimes it’s better for you to take yourself out of the situation, so that you can take clearing, do the things that you need to do to clear your mind and heart.”

“I need some time for myself to think about life, to plan the future, my future, my daughter’s future, the future of my family, and of course the best way to do that is really to go to your loved ones, to your family, kasi sila talaga ‘yung foundation,” dagdag niya.

Kasunod nito, ipinahiwatig ni Priscilla na napuno at nasagad na umano ang kanyang pasensya. Inihayag din niyang magmula ngayon, hindi na niya palalampasin ang maling ginagawa ng ibang tao sa kanya.

Ani Priscilla, “I’m a very patient person. I’m very kind. I’m a very forgiving person. But until the limit. When I get to my limit, I’m sorry. I don’t think I’m the best person for you to fight. Because, you know, the nicest people, they turn to be the most dangerous people. Because when we give our best and we get to the limit of the abuse of certain people, we know we just throw, we don’t care anymore.”

Tila may mensahe rin siya para kay John, kung saan pinaalala niya rito na may kaakibat na resulta ang mga bagay na kanyang ginagawa. Malakas ang pakiramdam ng marami na ang pinupunto ni Priscilla ay ang pambababae ni John.

Aniya, “I think when you do things, you need to be very careful about the consequences of the things that you do in life. We’re all grown-ups, right? We’re grown-up. We’re all adults. Everything that you do, there is a consequence. And I refuse to let it pass anything from this point onwards.”

Matatandaang ikinasal sina John at Priscilla noong 2011. 

Sa sumunod na taon, winelcome nila ang kanilang unica hija na si Anechka. 

Nauna nang ikinasal si John sa aktres na si Janice de Belen kung saan mayroon silang apat na anak. 

Naghiwalay sila noong 2002, matapos ma-link si John sa kanyang co-host sa dating noontime show na Magandang Tanghali, Bayan na si Vanessa del Bianco.

Makalipas ang dalawang taon, 2004, tuluyang napawalang bisa ang kasal nina John at Janice.