Jake Zyrus, uminit ang dugo matapos tawaging Charice

Jake Zyrus, uminit ang dugo matapos tawaging Charice
PHOTO : Jake Zyrus and Charice Pempengco

Halos isumpa ng singer na si Jake Zyrus ang isang netizen matapos itong mag-komento na nasayang umano ang boses niya at tinawag pa siyang Charice.

Nagsimula ang sagutan ng netizen at ni Jake sa isang IG post ng singer, matapos itong mag-bahagi ng isang kasabihan ni James Baldwin.

Ani sa kasabihan na ibinahagi ni Jake : “The most dangerous creation of any society is the man who has nothing to lose. James Baldwin”.

Jake Zyrus, uminit ang dugo matapos tawaging Charice
PHOTO : Jake Zyrus IG post

Sa naturang IG post, isang netizen ang napa-komento at sinabi nito na sayang umano ang boses ni Charice, nadamay pa si Ice Seguerra na isa ring trans man dahil hindi umano binago ni Ice ang boses nito hindi tulad ni Jake.

Ani ng netizen : “Sayang boses mo Charice. Bakit si Ice Seguera trans man pero never binago ang boses. Sayang talaga”.

Dahil sa naturang komento ay biglang uminit at kumulo ang dugo ni Jake, mas nagpintig pa ang kaniyang mga tenga matapos siyang tawagin na Charice.

Sagot ni Jake sa netizen : “first of all, with respect to my past, keep my deadname [Charice] out of your silly mouth.”

Jake Zyrus and Ice Seguerra

Binigyang diin rin ni Jake ang pagkukumpara ng netizen sa kaniya sa dating child star na si Ice Seguerra [Aiza], ayon sa singer na hindi nag te-take ng hormones si Ice at isa raw ito na may malaking bahagi ng pagiging trans man.

Diin ni Jake : “And darling, it’s because he hasn’t taken any hormone therapy. It’s a HUGE part of being a transman.

“maybe there are more important reasons why he hasn’t taken hormone therapy. I am not going to explain the rest because based on your comment you sound ignorant.

“Google is free my darling. I’m going to pin your comment because it seems like you love being center of attention. So let’s give it to you sweetheart. Have a nice day.”

Charice Pempengco timeline

Ang pangalan na “Charice” ay ang dating sikat na singer  nasi Charice Pempengco, ngunit mas kilala na siya ngayon bilang si Jake Zyrus na isang trans man.