Jake Ejercito kay Duterte : “Ngayon na ang singilan”

Jake Ejercito kay Duterte : "Ngayon na ang singilan"
PHOTO : Jake Ejercito and Rodrigo Duterte

Matapang na naglabas ng pahayag ang aktor na si Jake Ejercito sa gitna ng pagka-aresto ni Former President Rodrigo Roa Duterte kahapon.

Jake Ejercito, may matapang na pahayag tungkol kay Duterte

Agad na nag-viral sa social media ang post ni Jake tungkol sa pagdakip sa dating pangulo ng Pilipinas, ayon sa kanya lahat ng maling ginagawa ng isang tao ay may kabayaran.

Caption niya : “Ang mali ay may bayad, at ngayon na ang singilan.”

Sa naturang post ni Jake, kalakip dito ang isang art card ni Kian delos Santos 17, ang studyante na naging biktima noon ng DrvG war ng dating pangulo.

Sa ngayon ay naka-turned off na ang comment section ng aktor.

Rodrigo Duterte, inaresto sa bisa ng arrest warrant ng ICC

Kung ating babalikan, inaresto si FPRRD ng ICC sa pamamagitan ng Interpol sa Ninoy Aquino International Airport at dinala siya sa Villamor Air Base.

Sinakay naman sa isang chartered plane si Duterte mula sa Villamor Airbase patungo sa ICC headquarters sa The Hague, The Netherlands ng 11:03pm kagabi March 11.

Ayon naman kay Harry Roque ang dating tagapag-salita ni FPRRD, walang bisa umano ang warrant of arrest na inilabas ng ICC laban sa dating pangulo dahil hindi na kabilang ang Pilipinas sa ICC o International Criminal Court.

Hinikayat din ni Roque na magtipon-tipon ang supporters ni Duterte upang kondenahin ang pag-aresto sa kanya.

Nag-file naman si Ronald “Bato” dela Rosa ng petisyon sa Korte Suprema (SC) upang kuwestyunin ang pag-aresto sa dating pangulo.

VP Sara Duterte, susundan ang ama sa Netherlands

Sa isang panayam, ibinahagi ni VP Sara na agad silang susunod sa Netherlands kung saan balak dalhin ang kaniyang ama.

Aniya : “Meron na pong arrangement, kailangan kausapin ang mga abogado doon.. pupunta kami, ako.. at pupunta rin ang mga abogado.”

President Marcos, press briefing

Agad naman naglabas ng ‘press briefing’ ang pangulo ng Pilipinas na si Bongbong Marcos tungkol sa pagka-aresto ng dating pangulo.

Para kay BBM, wala na raw siyang magagawa sa kaso ni Duterte dahil kailangan ng government na mag-comply sa ICC.

Baka raw kasi hindi na matulungan ang ating bansa kapag tayo na ang lumapit sa kanila sa susunod na kailangan natin ng tulong.

Ani PBBM : “[The] Government is just doing it’s job, sumusunod lang tayo sa batas, Why go after him? this is the evolution of his case [FPRRD].”