Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Ivana Alawi tungkol sa prediksyon ng psychic na si Rudy Baldwin para sa taong 2025.
Prediksyon ni Rudy Baldwin sa taong 2025
Kung ating babalikan, Enero taong kasalukuyan; umingay ang social media dahil sa mga nakakakilabot at nakakatakot na mga prediksyon ni Rudy ngayong taon.
Sa panayam ng psychic sa programa ni Korina Sanchez na ‘Rated Korina’ dito na niya ibinahagi na may isang sexy vlogger ang mamatay dahil dadapuan umano ito ng sakit na kanser.
Paglalarawan pa ni Rudy na ang sexy vlogger na ito ay artista din.
Aniya : “Isa siyang vlogger, Isa rin siyang artista, maganda, sexy.
“Dalawa lang silang magkapatid na babae at isang lalaki, Ibang lahi yung papa niya.
“Bigla siyang nag-shut down.. hanggang doon na lang talaga siya [mamamatay], wala na akong nakikitang kadugtong.” dagdag ni Rudy.
Tinutukoy ni Rudy Baldwin, si Ivana Alawi?
Tila naging pala-isipin kung sino ang sexy vlogger na tinutukoy ni Rudy sa kanyang prediksyon, pero dahil sa mga clues na binigay ng psychic, si Ivana Alawi ang hula ng mga netizens.
Ivana, nagsalita na sa hula ni Rudy
Aminado si Ivana na nakarating sa kanya ang 2025 vision ni Rudy dahil na rin sa kanyang mga fans na todo mention sa kanyang pangalan sa mismong video ng ‘Rated Korina’.
Para kay Ivana, hindi siya apektado sa hula ni Rudy tungkol sa kanya at wala umanong dapat ipag-alala ang mga taong malapit sa kanya o ang kanyang mga mahal sa buhay.
Say ni Ivana : “Walang katotohanan na magkaka-cancer ako. huwag kayong mag-alala, wala kaming sakit.
“Yung mama ko nga nag-alala dun [sa prediksyon] tapos inaano niya ako, sabi ko, ‘Mama, kalma, walang mangyayari sa atin.’
“Wala namang makakapag-predict kung kailan ka mawawala, and that’s something you should not be scared of. lahat naman tayo darating dun. Ang nakakaalam lang nun ay ang Diyos.” dagdag ni Ivana.