Isang fan, binatikos dahil sa ginawa nito kay Kim Chiu sa stage

PHOTO : Kim Chiu Dubai concert

Marami ang nabahala sa Kapamilya actress at It’s Showtime host na si Kim Chiu dahil sa ginawa ng isang fan sa kanya sa kanyang recent concert sa Dubai.

Matatandaang kamakailan lang ay bumisita si Kim kasama ang kanyang leading man na si Paulo Avelino sa Dubai para sa Kalayaan 2024 event.

Pinasaya nina Kim at Paulo ang mga OFW o kababayan natin sa Dubai na masugid na tagasubaybay ng mga serye nilang “Linlang” at “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Sa katunayan, ilang maswerteng fan pa ang nabigyan ng pagkakataon na makipag-interact kay Kim sa stage, at isa na rito si Prince Lee.

Isang fan, binatikos dahil sa ginawa nito kay Kim Chiu sa stage
PHOTO : Kim Chiu Dubai concert

Pero nabahiran ng intriga ang masaya sanang interaksyon nila matapos punahin ng netizens ang pagiging ‘touchy’ umano ni Prince kay Kim.

Kim, nagulat matapos hawakan ng isang fan ang kanyang bewang

Nag-ugat ang reaksyon ng netizens sa naging reaksyon ni Kim matapos siyang hawakan ni Prince sa bewang.

Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang isang video kung saan makikitang nagulat at tila nag-panic si Kim matapos siyang hawakan sa bewang ni Prince habang kumakanta siya ng “Mr. Right.”

Mukhang dahil sa ginawa ni Prince, kaya agad daw na pinutol ni Kim ang kanilang interaksyon.

Samantala, binatikos ng maraming fans ni Kim si Prince sa social media dahil sa insidente.

Agad namang nagsalita si Prince hinggil sa isyu at nag-sorry siya sa kanyang inasal sa stage.

Ngunit nilinaw ni Prince na wala siyang intensiyong bastusin si Kim.

Ayon pa kay Prince, humingi siya ng pahintulot kay Kim na isayaw ito pero hindi raw niya inaasahan na mahahawakan niya ang balat nito sa bewang.

Paliwanag ng fan

Ani Prince sa kanyang Facebook post, “Once in a lifetime experience and met Kim Chiu, but naging hindi masyadong maganda. Sorry kung hindi maganda ang naging aksyon ko sa stage. Masyado akong kinabahan at hindi aware na mali pala nagawa ko onstage.”

Dagdag pa niya, “Nag-ask din ako ng permission to dance with her kaya ako nag-bow at inask ang kamay niya. But sorry kung nahawakan ko ang skin niya sa bewang.”

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon ukol sa insidente.

Habang ang ilan ay nagpahayag ng pagkadismaya, ang iba naman ay nagpahayag ng pang-unawa kay Prince.

Komento ng netizens

“Okay po yan kuya, nagsorry ka in public para malinawan ang lahat at higit sa lahat kay Kim mismo. Mabait si Kim, marunong rumespeto sa kapwa tao.”

“Very good sir. Wow, at least you admit it sir and saying sorry is enough para maipakita po ang respeto natin sa kapwa. God bless.”

“Hindi naman binastos, gentle at magalang naman. Galaw mo respectful, halatang hindi sadya.”

“Na-excite ka lang naman. Baka matulad ka dun sa guest nang Showtime haha pero pogi ka naman, kapatid haha.”