Ina ni Chloe, nagsalita na tungkol sa tinatagong anak ni Goldie

Ina ni Chloe, nagsalita na tungkol sa tinatagong anak ni Goldie
PHOTO : Maria Fe San Jose and Chloe San Jose

Nakipag-ugnayan at nagsalita na ang biological mom ni Chloe San Jose na si Maria Fe San Jose exclusibo, sa news website na “Balita“.

Hindi na umano nag-dalawang isip ang ina ni Chloe na si Maria Fe San Jose para magsalita dahil maraming fake informations na ang lumalabas sa social media, nadadamay na rin umano ang mga inosente niyang mga anak.

Sa pamamagitan ng legal counsel at spokesperson ni Maria Fe na si Atty. James Mark Padrones Ciudadano, isa-isa nitong sinagot ang mga issue na binabato sa kanila dahil matapos pumutok ang issue ni Chloe sa pamilya Yulo, umingay na rin ang pangalan nito at apektado na ang pribado nilang pamumuhay.

Nagpadala rin ng kopya ng SPA o “Special Power of Attorney” si Atty. Ciudadano sa “Balita” upang patunayan na siya ang lehitimong legal counsel at spokesperson ni Maria Fe.

Relasyon ni Chloe San Jose at Maria Fe

Kinumpirma ni Atty. Ciudadano sa “Balita” na hindi maganda ang relasyon ng mag-ina dahil sa malaking gap sa “values” at “parenting issues” nina Chloe at Maria Fe.

Tila nagkaroon umano ng gap sa pagitan ng parenting style ng isang Pilipino sa kinagisnang parenting style sa Australia kung saan si Chloe lumaki.

Ani Atty. Ciudadano : “It is true, even before Carlos and Chloe met, my client [Marie] and Chloe already were having a difficult relationship due to the difference of ideas regarding parenting over the then minor Chloe,

“The gap started as I said Chloe was a minor then, a few years before reaching 18 years old, she was insisting on her way, and my client retaining her Filipino values, being a protective mother and having the best interest of Chloe in mind, did not agree, consequently the frequent clash of ideas led to the gap.” dagdag ni Atty. Ciudadano.

Nilinaw rin ni Atty. Ciudadano na :”hindi totoo” na umabot sa demandahan ang problema ng mag-ina gaya na lamang sa mga lumalabas na fake informations sa social media, hindi umano nagsampa ng kaso si Maria Fe laban kay Chloe at gayundin si Chloe laban sa kanyang ina.

Chloe San Jose, may anak umano na tinatago?

Kung ating babalikan, lumabas din ang mga chismis na may anak na umano si Chloe at tinatago niya lamang ito sa publiko.

Chloe, magpapa-tiwakal kung babalik si Carlos sa kanyang Pamilya
PHOTO : Chloe San Jose and Carlos Yulo

Nakarating rin mismo kay Chloe ang naturang chismis at agad niyang sinagot ang isang netizen na nagkomento tungkol sa anak niya diumano.

Ani Chloe : “Bigyan kita ng award pag nahanap mo yung anak ko na sinasabi mo.”

“Chloe does not have a baby as far as we know, and the picture that is spreading stating that it is Chloe’s alleged baby, is actually her younger brother,” pahayag ni Atty. Ciudadano.