Ina ni Carlos Yulo, mas suportado pa ang Japan kaysa sa anak

Ina ni Carlos Yulo, mas suportado pa ang Japan kaysa sa anak
PHOTO : Angelica Yulo and Carlos Yulo

Usap-usapan ngayon sa social media si Angelica Poquiz Yulo ang ina ng 2024 Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo.

Kasunod kasi ng makasaysayang pagkapanalo ng gintong medalya ni Carlos sa 2024 Paris Olympics, napansin ng netizens na hindi pa siya binabati ng kanyang ina.

Dahil dito, umusbong ang haka-haka na diumano’y hindi maayos ang relasyon ni Carlos sa kanyang ina.

Kontrobersyal na Post ni Angelica tungkol sa Japan

Bago pa ang pagkapanalo ng gintong medalya ni Carlos sa artistic gymnastics men’s floor exercise final nitong Sabado, August 3, umagaw na sa atensyon ng netizens ang Facebook post ni Angelica noong August 1.

Vikings, nag-offer ng habambuhay na free buffet kay Carlos Yulo
PHOTO : Carlos Yulo / Paris Olympics 2024

Sa nasabing post, pinuri ni Angelica ang pambato ng Japan sa gymnastics na si Shinnosuke Oka na nanalo ng gold medal sa all-around finals sa gymnastics category.

Ani Angelica, “Japan pa din talaga…lakas.”

Inulan ng batikos ang nasabing post ni Angelica dahil lumaban din sa kompetisyon si Carlos pero pang-12 lamang ang pwesto nito. 

Maraming netizens ang nalungkot para kay Carlos dahil tila mas sinusuportahan pa raw ng kanyang ina ang kanyang kalaban kesa sa kanya.

Komento ng netizens:

“Proud ka sa Japan, eh hindi mo naman kalahi yun. I just hope you’re proud of Carlos Edriel Yulo kahit bilang isang Filipino kasi the whole Filipino nation is very proud of your son. Napakalakas ni Caloy, 2nd Filipino Olympics Gold medalist.”

“Mas malakas pa din si Carlos despite of being bashed ng sarili nyang family. Naging strong sya to make our country proud. Hope maging proud ka din sa kanya.”

“May nanay palang ganyan imbis suportahan ang pangarap ng anak lalo pang idadown.”

“Congrats Carlos Yulo. Deserve mo ang gold medal, pero ang magkaron ng ganyang klaseng nanay hindi mo deserve.”

Hindi Pagkakaunawaan ni Carlos at kanyang ina, dahil sa pera?

Ayon sa ilang ulat, di umano’y pera ang ugat ng hindi pagkakaunawaan nina Carlos at Angelica.

Kung titingnan ang mga lumang post ni Angelica, matagal na panahon na siyang walang post tungkol kay Carlos o sa mga achievement nito.

Sa kabilang banda, kapansin-pansin naman na todo-suporta siya sa iba pa niyang anak na tulad ni Carlos ay gymnasts din.

Umagaw sa pansin ng netizens ang post ni Angelica noong June 27 kung saan inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak na sina Jorielgel, Karl, at Elaiza.

Ani Angelica, “I love you already when you were in my tummy and I love you even more when I first laid my eyes on you. No matter how you age you’re still my forever babies. Jorielgel Yulo, Karl Yulo, Elaiza Yulo.”

Isang netizen ang nagkomento na “kulang” ang kanyang ipinost dahil wala si Carlos.

Ani ng netizen, “Kulang ata Tita Angeeee.”

Sagot naman ni Angelica, “sakto lang ‘yan.”

Komento ulit ng netizen, “Isali mo iyong other (peace sign).”

Ngunit sagot ni Angelica, “dahu?” (the who?).

Hindi pa rito natatapos ang sweet messages ni Angelica para sa kanyang anak kung saan hindi niya sinali si Carlos.

Noong August 11, 2023, sabi niya sa isang Facebook post, “Ngayon ko na-realize ahaha. Dati very vocal ako na akala ko si Jorielgel Yulo ang papatay sa akin sa kunsomisyon at si Karl Yulo ang magiging pasaway pagdating ng araw dahil grabe ang mga binibigay sa akin na kunsomisyon.

“Mali pala ako dapat pala di ako naging judgemental… EXPECT THE UNEXPECTED sabi nga nila ahahaa.. Thank you sa tatlo kong anak Joriel, Eldrew and Elaiza Yulo. Sila ung constant na nangangamusta sa akin at sila din ung palaging nagko-comfort sa akin. MAHAL KO KAYONG 3.”

Samantala, wala pang pahayag si Carlos o maging si Angelica hinggil sa isyung may hidwaan sila.