Gretchen, ginaya ang lips ni Angelina Jolie pero nagmukhang isda

Gretchen, ginaya ang lips ni Angelina Jolie pero nagmukhang isda
PHOTO : Gretchen Barretto after lips enhancement

Ibinahagi ng aktres at socialite na si Gretchen Barretto ang naging karanasan niya tungkol sa kaniyang lips enhancement noon.

Para kay Greta, sobrang pangarap niya ang magkaroon ng isang pouty lips gaya na lamang sa labi ng american aktres at film maker na si Angelina Jolie.

Ngunit sa halip na maging kamukha ni Gretchen si Angelina, nagmukhang isda umano siya matapos niyang ipagawa ang kaniyang labi.

Gretchen, ginaya ang lips ni Angelina Jolie pero nagmukhang isda
PHOTO : Gretchen Barretto after lips enhancement

Sa isang social media vlog nina Gretchen at ng beauty Doctor na si Aivee Teo, dito nila napag-usapan ang beauty enhancements na ginawa noon kay Greta.

Gretchen Barretto and Aivee Teo friendship

Ayon kay Aivee na 17 years ago nagsimula ang pagka-kaibigan nila ni Gretchen, dahil sa napapadalas ang pagpunta ng celebrity beauty Doctor sa bahay ni Greta para bigyan ito ng beauty treatments.

“She would come here, then we put massage beds here (living room). And then she brought… she gave me that mirror thing where you magnify it,” ani Greta.

“Yeah, two to three times a week, I would come here.” sagot ni Doc Aivee.

Gretchen Barretto lips issue

Dito na nila napag-usapan ang lips ni Greta na nagmistulang isda matapos ang enhancement, dahil gusto umanong ma-achieved ng aktres ang labi ng Hollywood aktres na si Angelina Jolie, pinagawa niya ito kay Doc Aivee.

Sa una ay kumontra si Doc Aivee sa gustong ipagawa ni Greta sa kaniya ngunit sobrang makulit umano ang aktres.

“Oh my God, the days of my lips! I wanted to be like Angelina Jolie. I’m like, ‘No Aivee, bigger!’ ani Gretchen.

Habang nasa procedure umano si Doc Aivee sa lips enhancement niya kay Gretchen, sobrang makulit umano ang aktres at mas gusto pa nito na mas lakihan ang kaniyang labi.

“Ang kulit-kulit niya! ‘More, more!” ani Doc Aivee.

Hindi rin raw ipapa-uwi ni Greta si Doc Aivee kung hindi nito ma-aachieved ang malaking labi na gusto niya. ani Greta : “You can’t leave until you make my lips!”

Pero matapos ang enhancement, nagalit umano si Doc Aivee dahil sa halip na maging kamukha nito si Angelina Jolie ay nagmukhang isda umano ang aktres.

Reaksyon ni Greta : “Lumaki nang lumaki! People were like, ‘she looks like a fish.’ But I loved it.”

“Siya naman may gusto. Alam mo naman si Gretch, pag may gusto siya, Go more!” ani Doc Aivee.