Pumanaw na ang sikat na stand-up comedian na si Gold Dagal matapos siyang mag-viral dahil sa kanyang INC joke kamakailan lamang.
Pumanaw si Gold matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin noong March 15 sa Pampanga.
Sino si Gold Dagal?
Si Gold Dagal ay isang kilalang stand-up comedian na sumikat sa social media dahil sa kanyang matapang at prangkang biro tungkol sa pulitika, relihiyon, at iba pang isyung panlipunan.
Bukod sa pagiging komedyante, kilala rin si Dagal sa kanyang adbokasiya laban sa umano’y pang-aabuso sa karapatang pantao.
Isa siya sa mga sumusuporta sa non-profit organization na “Project Jade”, na naglalayong itaguyod ang karapatan ng mga biktima ng pang-aabuso at pananamantala.
Gold Dagal, tinawag na “Kulto” ang INC sa isang joke
Noong nakaraang taon, nag-viral si Gold matapos banatan ang Iglesia ni Cristo sa kanyang stand-up performance.
Sa kanyang performance, inilahad niya ang kanyang karanasan sa pakikipagrelasyon sa isang miyembro ng INC kung saan ipinagmalaki niya na nakama na niya ito.
Aniya, “Nagkaroon ako ng ex-girlfriend na taga-Iglesia ni Cristo? may taga-Iglesia ba tonight? Wala akong pake sa’yo. May nak*nt*t na akong isa sa inyo.”
Sa isa pang bahagi ng kanyang performance, ikinumpara niya ang INC sa isang “kulto”.
Ani Gold, “May mas okay naman na religion diyan pero…may aircon sila eh. Di ba? First time na nakaapak ako sa kapilya nila, manghang-mangha talaga ako. Daming aircon eh. Binilang ko pa 1,2,3,4,5…Ang lamig! Cool. Cult-O! [Kulto]”
Nabanggit din ni Gold sa kanyang biro ang pinuno ng INC na si Eduardo Manalo.
Aniya, “May mga nagtatanong sa akin, pano ko daw napasagot, paano ko daw niligawan. Nirekta ko lang talaga yung feelings ko. Ganun lang ka simple like…Sinabi ko agad sa kanya, ‘Alam mo…I love you…Eduardo Manalo!’”
Aniya, bagama’t marami ang natuwa sa kanyang humor, maraming miyembro ng INC ang umalma at tinawag siyang bastos at walang respeto sa relihiyon ng ba.
After ng INC joke, Gold Dagal pumanaw na
Hanggang kamakailan lang ay kinumpirma ng Project Jade na pumanaw na si Gold matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek noong March 15.
Sa isang pahayag, kinondena nila ang nangyari kay Dagal na isa umano sa mga taong nanindigan laban sa paglabag sa karapatang pantao ng marami.
Anila, “Rest in power, Gold. To many, Gold was a comic with crude humor. But to us, he’s one of the few people who stood up against human rights violations and indoctrination.”
Nanawagan din sila ng hustisya sa nangyari kay Gold.
Anila, “Hustisya para sa’yo, Gold. Salamat sa suporta mo sa Project Jade. Pahinga ka na.”
Base sa ilang ulat, nakatanggap na umano ng mga death threat si Dagal bago ang insidente.
Gayunpaman, hindi pa kumpirmado kung may koneksyon ang kanyang pamumuna sa INC sa kanyang pagkamatay.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen.
Reaksyon ng Netizens
Inulan ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang balita tungkol sa pagpanaw ni Dagal.
May ilan na nagsabing “kinarma” siya dahil sa kanyang mga biro, habang ang iba naman ay kinondena ang nangyari.
Komento ng netizens :
“Kasalanan mo yan..e Hindi lang Naman INC ang binabastos mo sa comedy mo,pati DDS at ibang pribadong tao..kung naging responsible ka lang na komedyante di ka mapapadali,,minsan Kase Hindi lahat ng jokes bumebenta …Yung iba pikon…kaso Hindi lahat magkakalevel ng taste ….”
“Koolto. Turo ng Diyos wag papatay, pero tuwang tuwa kapag may pinatay. Hindi yan kriminal at adik, isang hamak na KOMEDYANTE lang.”
“bakit parang ang sinisisi nyo yata e yung relihiyon ang may kagagawan ? asan ang ebidensya nyo pwede kayo makasuhan sa maling paratang. wag kayo gumagawa ng ikakasira nyo”
“Kapag ang joke ay may offensive words hindi un jokes insulting un..but still Condolences sa family nya at friends…magsilbing aral sa knila na maghinay hinay sa mga sinasabi nila.”
“totoong may freedom of speech pero be responsible sna sa mga binibitwan…ang daming comedian na minamahal ng tao”