Aminado ang ex-housemate na si Fyang na nagulat siya matapos siya ang itinanghal na Big Winner sa PBB Gen11.
Sa kanyang panayam sa Kapamilya Chat kamakailan lamang, idinetalye ni Fyang ang kanyang naramdaman noong siya na ang tinawag bilang Big Winner.
Tinanong rin ni Fyang ang kanyang sarili kung ano ba ang nakita ng mga tao sa kanya kung bakit sinuportahan siya ng mga ito hanggang sa dulo.
Aniya : Ha? Totoo ba to? Anong nakita niyo sa akin na hindi ko nakikita?”
Kung ating babalikan, halos linggo-linggo ay nominado si Fyang sa Bahay Ni Kuya dahil maging ang mga housemates na mga kasama nito sa loob ay gusto na siyang ipalabas o ma-evict.
Ngunit dahil sa pagmamahal at suporta ng taong-bayan kay Fyang, umabot nga siya hanggang Big Night at inuwi pa niya ang titulo bilang Big Winner.
Para naman kay Fyang, si Kai talaga ang akala niya’y tatanghalin bilang Big Winner noong Big Night, dahil Big Winner material umano ang dalaga.
Ani Fyang : “Ang ine-expect ko talaga si Kai. Grabe, totoo! Sobrang matalino siya. Sobrang bait, as in big winner material din talaga si Kai.”
PBB Big Night result
Si Fyang ang itinanghal na Big Winner ng PBB Gen11 na nakakuha ng 30.66% na boto, sinundan ito ni Rain bilang 2nd Big Placer na may 26.05%, ang 3rd Big Placer naman ay si Kolette na may 25.91% na boto at si Kai na nakakuha ng 17.38% at itinanghal bilang 4th Big Placer.
Matapos itinanghal bilang Big Winner si Fyang, labis na pasasalamat ang gusto niyang iparating sa kanyang mga taga-suporta at mga taga-hanga.
Aniya : “”I can’t believe this! I want to thank every one of you, who has supported me since day one. I did it!”
Naging Big hit success rin ang PBB Big Night noong October 26 dahil first time sa history ng ABS-CBN na nakamit nila ang 2.2 million combined concurrent viewers sa Facebook at Youtube.